Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Paunang Salita

Paunang Salita

Paunang Salita

Ang mga Saksi ni Jehova ay mga taong kilalang-kilala. Ang kanilang pangangaral at paraan ng pagsamba ay nakarating na sa mga tao mula sa iba’t ibang bansa at lahi sa buong daigdig at tinatanggap ng mga tao maging ng mga bata at matatanda, sa bawat antas ng pamumuhay at antas ng pinag-aralan. Ang kanilang sigasig bilang mga tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos ay nakatawag-pansin maging sa mga pumupuna sa kanila. Ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa ay naging dahilan upang hangarín ng ilang di-Saksi na sana’y higit pang mga tao ang maging katulad nila.

Subalit, marami pa rin ang nagtatanong, ‘Sino ba talaga ang mga Saksi ni Jehova?’ Ang iba na sumulat hinggil sa kanila ay hindi laging walang kinikilingan. Marahil hindi nila alam ang buong katotohanan. Tunay nga, walang sinumang higit na nakaaalam ng makabagong kasaysayan nila kundi sila mismo. Ang mga patnugot ng aklat na ito ay nagsikap na magharap ng isang walang-pagtatangi at makatotohanang kasaysayan. Sa lahat ng mga nakatatalos kung ano ang inihuhula ng Bibliya para sa mga huling araw, ang kasaysayang ito ng isang grupo ng mga tao na marubdob na naniniwala at nangangaral sa sinasabi ng Bibliya ay totoong nakapagtuturo.

Ang mga Tagapaglathala