Pangangaral sa Madla at sa Bahay-bahay
Kabanata 25
Pangangaral sa Madla at sa Bahay-bahay
NANG suguin ni Jesu-Kristo ang kaniyang mga alagad, inutusan niya sila: “Samantalang naglalakad, ay mangaral kayo, na nagsasabi, ‘Ang kaharian ng langit ay malapit na.’” (Mat. 10:7) At sa kaniyang makahulang utos sa tunay na mga Kristiyano na mabubuhay sa panahon ng konklusyon ng sistema ng mga bagay, sinabi niya: “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo.” (Mat. 24:14) Ano ang kahulugan nito?
Hindi ito nangangahulugan na magtatayo sila ng mga simbahan, magpapatunog ng kampana, at maghihintay hanggang sa magtipon ang kongregasyon upang makinig sa kanilang sermon minsan isang linggo. Ang pandiwang Griego na dito’y isinaling “mangaral” (ke·rysʹso) ay may saligang kahulugan na “gumawa ng paghahayag bilang tagapagbalita.” Ang idea ay hindi ang pagbibigay ng mga sermon sa isang limitadong grupo ng mga alagad kundi, sa halip, ang paggawa ng lantaran, pangmadlang pagpapahayag.
Si Jesus mismo ang nag-iwan ng halimbawa kung papaano ito dapat gawin. Siya’y nagtungo sa mga dako kung saan may makakausap na mga tao. Noong unang siglo, regular na nagtitipon ang mga tao sa mga sinagoga upang pakinggan ang pagbasa sa mga Kasulatan. Sinamantala ni Jesus ang mga pagkakataon na pangaralan sila roon, hindi lamang sa isang lunsod kundi sa mga lunsod at mga nayon sa buong Galilea at Judea. (Mat. 4:23; Luc. 4:43, 44; Juan 18:20) Higit na madalas, ayon sa ulat ng mga Ebanghelyo, nangaral siya sa dalampasigan, sa tagiliran ng bundok, sa lansangan, sa mga nayon, at sa mga tahanan ng mga tumatanggap sa kaniya. Saanman siya makasumpong ng mga tao, nagsasalita siya tungkol sa layunin ng Diyos para sa sangkatauhan. (Luc. 5:3; 6:17-49; 7:36-50; 9:11, 57-62; 10:38-42; Juan 4:4-26, 39-42) At nang suguin niya ang kaniyang mga alagad, inutusan niya silang pumaroon sa mga tahanan ng mga tao upang hanapin ang mga karapat-dapat at magpatotoo sa kanila tungkol sa Kaharian ng Diyos.—Mat. 10:7, 11-13.
Sinisikap ng mga Saksi ni Jehova sa makabagong mga panahon na sundin ang halimbawang iniwan ni Jesus at ng unang-siglong mga alagad niya.
Paghahayag ng Balita ng Pagkanaririto ni Kristo
Nang magsimulang maunawaan ni Charles Taze Russell at ng kaniyang mga kasama ang nagkakasuwatong balangkas ng katotohanan na nakalahad sa Salita ng Diyos, naantig sila ng kanilang natutuhan hinggil sa layunin at paraan ng pagbabalik
ni Kristo. Nadama ni Brother Russell ang pangangailangang ipaalam ito at na ito’y dapat gawin nang apurahan. Isinaayos niya ang kaniyang pamumuhay upang maglakbay sa mga lugar kung saan may mga taong makakausap niya tungkol sa mga katotohanang ito ng Bibliya. Dumalo siya sa mga miting sa relihiyosong mga kampo at sinamantala ang mga pagkakataong magpahayag sa mga ito, kagaya ni Jesus na nangaral sa mga sinagoga. Ngunit di-natagalan napagtanto niya na lalong higit ang maisasagawa sa ibang mga paraan. Ipinakita ng kaniyang pag-aaral ng Kasulatan na ang kalakhang bahagi ng pangangaral ni Jesus at ng kaniyang mga apostol ay ginawa sa pribadong pakikipag-usap sa mga indibiduwal at sa pagbabahay-bahay. Natalos din niya na mahalagang isunod sa pakikipag-usap ang pag-iiwan sa mga tao ng nakalimbag na materyal.Noon pang 1877 ay nailathala na niya ang buklet na The Object and Manner of Our Lord’s Return. Dalawang taon pagkaraan nito siya’y nagsimulang regular na maglathala ng magasing Zion’s Watch Tower and Herald of Christ’s Presence. Oo, ang layunin ay ang ipangaral, o ang ibalita, ang mahalagang impormasyon hinggil sa pagkanaririto ni Kristo.
Sing-aga ng 1881, ang literatura ng mga Estudyante ng Bibliya ay ipinamimigay nang walang bayad malapit sa mga simbahan—hindi doon mismo sa may pintuan ng simbahan kundi malapit doon upang ang mga tao na mahilig sa relihiyon ay makatatanggap nito. Marami sa mga Estudyante ng Bibliya ang nagbigay ng ganitong literatura sa mga kaibigan o ipinadala ito sa koreo. Noong 1903 inirekomenda ng Watch Tower na sikapin nilang abutin ang lahat sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga tract sa bahay-bahay, sa halip na sa mga nagsisimba lamang. Hindi ito ginawa ng lahat ng mga Estudyante ng Bibliya, ngunit marami ang tumugon nang may tunay na sigasig. Halimbawa, iniulat na sa ilan sa malalaking lunsod sa Estados Unidos, gayundin sa mga karatig nito hanggang sa distansiyang labing-anim na kilometro, halos lahat ng mga bahay ay dinalaw. Milyun-milyong tract, o mga buklet, ang ipinamahagi sa ganitong paraan. Noong panahong iyon ang karamihan ng mga Estudyante ng Bibliya na nakikibahagi sa pagpapalaganap ng mabuting balita
ay gumagawa nito sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan ng libreng pamamahagi ng mga tract at ibang literatura.Ang iba sa mga Estudyante ng Bibliya—mas kakaunti sa bilang—ay naglingkod bilang ebanghelisador na colporteur, na nag-uukol ng malaking bahagi ng kanilang panahon bukod-tangi sa gawaing ito.
Nanguna ang Masisigasig na Colporteur
Ang unang panawagan para sa naaalay na mga lalaki at babae na maaaring gumamit ng malaki-laking bahagi ng kanilang panahon sa paglilingkurang ito ay lumabas noong Abril 1881. Inaalok nila ang mga maybahay at mga negosyante ng isang maliit na aklat na nagpapaliwanag ng katotohanan ng Bibliya at isang suskrisyon para sa Watch Tower. Ang layunin nila ay ang hanapin ang mga nagugutom sa katotohanan at ibahagi ang liwanag sa kanila. May panahon na sinubukan nilang magsalita nang sapat lamang upang pukawin ang interes, at nag-iiwan sa bawat tahanan ng isang pakete ng literatura na maaaring suriin ng maybahay, saka nagbabalik pagkaraan ng ilang araw. Isinasauli ng ilang maybahay ang literatura; gusto naman itong bilhin ng iba; madalas ay may pagkakataong makipag-usap. Tungkol sa kanilang layunin, sinabi ng Watch Tower: “Ang mahalaga’y hindi ang pagtitinda ng mga pakete, ni ang pagkuha ng mga suskrisyon, kundi ang pagpapalaganap ng katotohanan, sa pamamagitan ng pagpapasigla sa mga tao na magbasa.”
Kakaunti lamang ang nakibahagi sa pag-eebanghelyong ito ng mga colporteur. Noong unang 30 taon, ang bilang nila ay nag-iba-iba mula sa iilan lamang hanggang sa mga 600. Ang mga colporteur na ito ay mga payunir sa tunay na kahulugan ng
salita, na nagbubukas ng bagong teritoryo. Si Anna Andersen ang isa na nagmatiyaga sa paglilingkurang ito sa loob ng mga dekada, na kadalasa’y naglalakbay na sakay ng bisikleta, at siya’y personal na nakarating sa halos bawat bayan sa Norway na dala ang mabuting balita. Ang ibang mga colporteur ay naglakbay sa ibang bansa at sila ang unang nagdala ng mensahe sa mga lupaing tulad ng Pinlandya, Barbados, El Salvador, Guatemala, Honduras, at Burma (ngayo’y Myanmar). Mayroon ding ilan na hindi malaya upang lumipat sa ibang lugar subalit naglingkod bilang ebanghelisador na colporteur sa kanilang sariling teritoryo.Kapansin-pansin ang gawain ng mga colporteur. Ang isa na naglingkod sa kanlurang baybayin ng Estados Unidos ay sumulat noong 1898 na sa nagdaang 33 buwan, siya’y nakapaglakbay ng 12,800 kilometro sakay ng kaniyang sasakyang hila ng kabayo, nakapagpatotoo sa 72 bayan, nakagawa ng 18,000 pagdalaw, nakapamahagi ng 4,500 aklat, nakakuha ng 125 suskrisyon, nakapamahagi ng 40,000 tract, at nakakita ng 40 tao na hindi lamang tumanggap ng mensahe kundi nagsimulang ibahagi ito sa iba. Isang mag-asawa sa Australia ang nakapagpasakamay ng 20,000 aklat sa mga taong interesado sa loob lamang ng dalawa at kalahating taon.
Pambihira ba ang pagpapasakamay ng napakaraming literatura o ito kaya’y pangkaraniwan noon? Buweno, ang ulat para sa 1909 ay nagpapakita na ang mga 625 colporteur (ang kabuuang nasa listahan noong panahong iyon) ay tumatanggap mula sa Samahan ng 626,981 pinabalatang aklat upang ipamahagi sa madla (isang aberids na mahigit sa isang libo para sa bawat colporteur), bukod pa sa napakaraming libreng literatura. Kadalasang hindi nila kayang dalhin ang sapat na mga aklat sa bahay-bahay, kaya kumukuha muna sila ng mga pidido at saka bumabalik upang ihatid ang mga aklat na pinidido.
Gayunman, may mga tumutol: “Hindi ito pangangaral!” Subalit, ang totoo, gaya ng ipinaliwanag ni Brother Russell, ito ang pinakamabisang uri ng pangangaral. Sa halip na makinig sa isang sermon lamang, ang mga tao ay tumatanggap ng maraming nakalimbag na sermon at dahil dito ay maaari nilang paulit-ulit na basahin ang mga ito at suriin ang mga nilalaman sa kanilang sariling Bibliya. Ito’y pag-eebanghelyo na isinasaalang-alang ang bagay na dahil sa pangkalahatang edukasyon ang mga tao ay tinuruang bumasa. Ang aklat na The New Creation ay nagpaliwanag: “Ang bagay na ang mga ebanghelisador na ito ay gumagamit ng mga paraang iniangkop sa ating kaarawan sa halip na mga paraang ginamit noong nakaraan, ay hindi sumasalungat sa gawaing ito kung papaanong hindi naging masama ngayon na ang mga tao ay maglakbay sa pamamagitan ng puwersa ng singaw at kuryente sa halip na naglalakad lamang o sakay ng mga kamelyo. Ang pag-eebanghelyo ay ginagawa sa pamamagitan ng paghaharap ng Katotohanan . . . , ang Salita ng Diyos.”
Ang taimtim na pagnanais ng mga Estudyante ng Bibliya na tulungan ang mga tao ay nakita sa lubus-lubusang pagsisikap nila na nang maglaon ay naging likas na katangian ng kanilang gawaing pangangaral. Ang The Watch Tower ng Marso 1, 1917, ay nagbalangkas ng programa gaya ng sumusunod: Una, dadalaw ang mga colporteur sa mga tahanan sa isang lugar, na nag-aalok ng mga tomo ng Studies in the a ay dumadalaw. Sinikap nilang pukawin ang pagnanais na basahin ang literatura, pinasigla ang mga interesado na dumalo sa mga pantanging isinaayos na mga pahayag, at sinikap na magsaayos ng mga klase para sa Bereanong pag-aaral sa Bibliya. Kailanma’t magagawa, ang lugar na iyan ay inuulit muli ng mga colporteur, at pagkatapos ito’y sinusubaybayan ng mga manggagawang pastoral upang patuloy na makipag-ugnayan sa mga nagpakita ng interes. Nang dakong huli, ang gayunding mga tahanan ay dinadalaw-muli ng ibang mga manggagawa ng klase taglay ang volunteer matter, gaya ng tawag nila noon sa mga tract at iba pang libreng literatura na kanilang inaalok. Ito’y tumiyak na ang bawat isa ay may matanggap kahit papaano na maaaring pumukaw ng pagnanais na matuto nang higit hinggil sa layunin ng Diyos.
Scriptures. Pagkatapos, bilang pagsubaybay sa mga pangalang itinala ng mga colporteur o ibinigay sa mga pahayag pangmadla, ang mga manggagawang pastoralKapag isa o dalawang colporteur lamang ang naglilingkod sa isang lugar, at walang kongregasyon, madalas na ang pagsubaybay sa interes ay ginagawa ng mga colporteur mismo. Kaya, nang si Hermann Herkendell at ang kaniyang kasama ay magtungo sa Bielefeld, Alemanya, bilang mga colporteur noong 1908, sila’y binigyan ng pantanging instruksiyon na tiyaking ang mga interesado sa isang pook ay ipakilala sa ibang mga interesado at magtatag ng isang kongregasyon. Pagkalipas ng ilang taon, binanggit ng The Watch Tower ang ibang mga colporteur na nagbibigay ng personal na atensiyon sa mga interesado anupat may iniiwan silang isang klase ng mga Estudyante ng Bibliya sa bawat bayan o lunsod na kanilang pinaglingkuran.
Isang mahalagang tulong sa gawaing ito ang inilaan noong 1921 sa aklat na The Harp of God. Yamang pantanging idinisenyo upang tulungan ang mga baguhan, nang dakong huli ang aklat ay umabot sa sirkulasyon na 5,819,037 sa 22 wika. Upang tulungan ang mga kumuha ng aklat na ito, nagsaayos ang Samahan ng isang kurso sa pamamagitan ng sulat sa paksa-paksang pag-aaral sa Bibliya. Ito’y binuo ng 12 listahan ng mga tanong, na ipinadala sa loob ng 12 sanlinggo. Sa tulong ng aklat na ito, gumawa rin ng mga kaayusan para sa panggrupong mga pag-uusap sa Bibliya sa tahanan ng mga interesado. Ang gayong pag-aaral ay karaniwang dinadaluhan ng ilang Estudyante ng Bibliya.
Gayunman, lubusang nababatid ng mga Saksi na napakalawak ang larangan at kakaunti lamang ang kanilang bilang.—Luc. 10:2.
Naabot ang Marami Kahit Kakaunti ang Bilang
Ipinaliwanag ng Watch Tower na ang tunay na mga Kristiyanong pinahiran ng espiritu ay may bigay-Diyos na pananagutan na hanapin at tulungan ang lahat ng taimtim na mga Kristiyano, palasimba man sila o hindi. (Isa. 61:1, 2) Papaano ito maisasagawa?
Ang dalawang Estudyante ng Bibliya (sina J. C. Sunderlin at J. J. Bender) na isinugo sa Inglatera noong 1881 ay walang gaanong maisasagawa kung sa kanilang sarili lamang; subalit sa tulong ng daan-daang kabataang lalaki na binayaran sa kanilang paglilingkod, sila’y nakapagpasakamay ng 300,000 kopya ng Food for Thinking Christians sa loob ng maikling panahon. Si Adolf Weber, na bumalik sa Switzerland taglay ang mabuting balita noong kalagitnaan ng dekada ng 1890, ay may napakalawak na teritoryong pangangaralan na umaabot pa sa maraming lupain. Papaano niya mararating ang lahat ng ito? Siya mismo ay naglakbay nang malayo bilang colporteur, subalit naglagay pa rin siya ng mga anunsiyo sa mga pahayagan at gumawa ng kaayusan upang ang mga publikasyon ng Watch Tower ay maisama ng mga nagtitinda ng mga aklat sa kanilang mga koleksiyon. Ang maliit na grupo ng mga Estudyante ng Bibliya sa Alemanya noong 1907 ay gumawa ng kaayusan upang 4,850,000 apat-na-pahinang tract ang maipadala sa koreo kasama ng mga pahayagan. Di-nagtagal pagkatapos ng unang digmaang pandaigdig, isang kapatid na taga-Latvia na miyembro ng punong-tanggapan ng Samahan sa New York ang gumugol ng sariling pera upang mailathala ang mga anunsiyo sa mga pahayagan sa kaniyang tinubuang lupain. Ang isang lalaki na tumugon sa isa sa mga anunsiyong ito ay naging ang unang Estudyante ng Bibliya sa Latvia. Gayunman, ang paggamit ng ganitong uri ng publisidad ay hindi humalili sa personal na pagpapatotoo at paghahanap sa mga taong karapat-dapat sa bahay-bahay. Sa halip, ito’y ginamit upang palawakin ang paghahayag.
Subalit, higit pa kaysa mga anunsiyo ang inilathala sa mga pahayagan. Noong mga taon bago ang Digmaang Pandaigdig I, sa ilalim ng pangangasiwa ni Brother Russell, ang kaniyang mga sermon ay regular na inilathala. Sa loob ng maikling panahon lamang, kamangha-mangha ang naging pagdami nito. Mahigit na 2,000 pahayagan, na may kabuuang 15,000,000 mga mambabasa, ang sabay-sabay na naglathala ng mga sermong ito sa Estados Unidos, Canada, Britanya, Australia, at Timog Aprika. May higit pa bang magagawa? Iniisip ni Brother Russell na mayroon nga.
Pagkatapos ng dalawang taóng paghahanda, ang unang pagtatanghal ng “Photo-Drama of Creation” ay pinalabas noong Enero 1914. Ang “Photo-Drama” ay iniharap sa apat na bahagi. Ang walong-oras na programa ay may kasamang pelikula at slide, na may kasabay na isinaplakang mga tinig. Ito’y tunay na pambihirang produksiyon na idinisenyo upang magpatibay ng pagpapahalaga sa Bibliya at sa layunin ng Diyos na nilalaman nito. Ang mga palabas ay inorganisa upang 80 lunsod ang maaaring paglingkuran araw-araw. Patiunang pag-aanunsiyo ang ginawa sa pamamagitan ng mga pahayagan, ng maraming plakard na isinasabit sa mga bintana, at ng pamamahagi ng napakaraming libreng mga pulyeto na may layuning pumukaw ng interes sa “Photo-Drama.” Saanman ipinalalabas ito, dinaragsaan ito ng mga tao. Sa loob ng isang taon ang “Photo-Drama” ay napanood na ng mahigit sa 8,000,000 katao sa Estados Unidos at
Canada, at napakarami pa ang iniulat sa Britanya at sa kontinente ng Europa gayundin sa Australia at New Zealand. Ang “Photo-Drama” ay sinundan ng isang pinaikling bersiyon (na wala ang mga pelikula) para gamitin sa mas maliliit na bayan at sa mga dako ng kabukiran. Sa iba’t ibang wika, patuloy na nagamit ang Drama nang di-kukulangin sa dalawang dekada. Maraming interes ang napukaw, ang mga pangalan ng mga interesado ay kinuha, at ang mga ito’y dinalaw upang subaybayan ang interes.Pagkatapos, sa dekada ng 1920, lumitaw ang isa pang instrumento upang malawakang ihayag ang mensahe ng Kaharian. Malaki ang paniniwala ni Brother Rutherford na ang kamay ng Panginoon ay sumasa pagtuklas nito. Ano ba iyon? Ang radyo. Wala pang dalawang taon matapos simulan ng unang komersiyal na istasyon ng radyo sa buong daigdig ang regular na pagsasahimpapawid (noong 1920), si J. F. Rutherford, presidente ng Samahang Watch Tower, ay nagpapahayag na sa radyo upang isahimpapawid ang katotohanan ng Bibliya. Narito ang isang instrumento na makaaabot sa milyun-milyong mga tao nang sabay-sabay. Pagkaraan ng dalawang taon pa, noong 1924, nagsasahimpapawid na ang sariling istasyon ng radyo ng Samahan, ang WBBR, sa New York. Pagsapit ng 1933, na siyang pinakatampok na taon sa paggamit ng radyo, 408 istasyon ang ginagamit upang ihatid ang mensahe sa anim na kontinente. Bukod sa mga live broadcast, may mga programa hinggil sa napakaraming mga paksa na patiunang isinaplaka. Gumawa ng masinsinang lokal na pag-aanunsiyo sa pamamagitan ng pamamahagi ng nakaimprentang mga patalastas upang malaman ng mga tao ang tungkol sa mga brodkast na ito at nang sila’y makinabang. Inalis ng mga brodkast na ito ang maraming maling akala at binuksan ang mga mata ng mga tapat-puso. Marami, dahil sa takot sa kanilang mga kapitbahay at sa mga klero, ay nag-atubiling dumalo sa mga pulong ng mga Estudyante ng Bibliya, ngunit hindi ito humadlang sa kanilang pakinggan ang radyo sa loob ng sarili nilang mga tahanan. Hindi pinalitan ng mga brodkast na ito ang pangangailangang magbahay-bahay; subalit naihatid ng mga ito ang katotohanan ng Bibliya sa mga dakong mahirap abutin, at nagbukas ng daan para sa maiinam na pag-uusap kapag personal na dumalaw ang mga Saksi sa mga tahanan.
Ang Pananagutan ng Bawat Isa Upang Magpatotoo
Ang pananagutan na magkaroon ng personal na bahagi sa pagpapatotoo ay naidiin na sa Watch Tower sa loob ng maraming dekada. Subalit mula 1919 patuloy, ito’y isang paksang laging tinatalakay sa mga publikasyon at sa mga programa ng kombensiyon. Gayunman, para sa marami ay hindi madali ang lumapit sa mga estranghero sa kanilang mga pintuan, at nang pasimula iilan lamang sa mga Estudyante ng Bibliya ang regular na nakikibahagi sa pagpapatotoo sa bahay-bahay.
Huk. 7:1-25; 2 Hari 6:11-19; Kaw. 29:25) Noong 1921 itinampok ng artikulong “Lakasan ang Inyong Loob” hindi lamang ang tungkulin kundi ang pribilehiyo na makapaglingkod sa panig ng Panginoon laban sa satanikong mga puwersa ng kadiliman sa pamamagitan ng pakikibahagi sa gawaing inihula sa Mateo 24:14. Ang mga may limitasyon sa magagawa nila dahil sa kanilang kalagayan ay hinimok na huwag masiraan ng loob ngunit huwag rin namang mag-atubiling gawin ang anumang magagawa nila.
Nakapagpapasigla-sa-pusong pampatibay ang ibinigay mula sa Kasulatan. “Pinagpapala ang mga Walang-Takot” ay ang paksang itinampok sa mga isyu ng Watch Tower ng Agosto 1 at 15, 1919. Nagbabala ito laban sa takot sa tao, itinawag-pansin ang tibay ng loob ng 300 mandirigma ni Gideon na naging alisto at handang maglingkod sa anumang paraan na iniutos ng Panginoon kahit mas marami ang kanilang mga kalaban, at pinapurihan ang walang-takot na pananalig ni Eliseo kay Jehova. (Sa pamamagitan ng prangkahang mga pagtalakay sa Kasulatan, ipinabatid ng The Watch Tower na lahat ng nagsasabing sila’y itinalagang mga lingkod ng Diyos ay pinahirang may pananagutan na maging tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos. Ang isyu ng Agosto 15, 1922, ay may maikli, tuwirang artikulong pinamagatang “Kailangan ang Paglilingkod”—alalaong baga’y, paglilingkod bilang pagtulad kay Kristo, paglilingkod na magdadala sa isa sa mga tahanan ng mga tao upang ibalita sa kanila ang hinggil sa Kaharian ng Diyos. Nang dakong huli ng taon ding iyon, ipinakita na ang gayong paglilingkod, upang magkaroon ng halaga sa paningin ng Diyos, ay dapat na maudyukan ng pag-ibig. (1 Juan 5:3) Isang artikulo sa isyu ng Hunyo 15, 1926, ang nagsabi na hindi kinalulugdan ng Diyos ang pagsamba alinsunod sa pormalidad; ang nais niya ay ang pagsunod, at kalakip nito ang pagpapahalaga sa anumang paraang ginagamit niya upang isakatuparan ang kaniyang layunin. (1 Sam. 15:22) Nang sumunod na taon, nang isinasaalang-alang “Ang Misyon ng mga Kristiyano sa Lupa,” itinawag-pansin ang papel ni Jesus bilang “ang saksing tapat at totoo” at ang bagay na si apostol Pablo ay nangaral “sa madla at sa bahay-bahay.”—Apoc. 3:14; Gawa 20:20.
Detalyadong mga presentasyon na maaaring isaulo ng mga mamamahayag ang inilaan sa Bulletin, ang kanilang buwanang patalastasan ukol sa paglilingkod. Nagbigay ng pampatibay-loob na regular na makibahagi sa paglilingkod sa larangan linggu-linggo. Ngunit ang bilang ng aktuwal na nagpapatotoo sa bahay-bahay ay maliit nang pasimula, at ang iba na nagsimula ay hindi nagpatuloy sa gawain. Halimbawa, sa Estados Unidos, ang aberids na iniulat na nakikibahagi sa paglilingkod sa larangan linggu-linggo noong 1922 ay 2,712. Ngunit noong 1924 ang bilang ay bumaba at naging 2,034. Noong 1926 ang aberids ay tumaas tungo sa 2,261, na may pinakamataas na bilang na 5,937 na nakibahagi sa isang sanlinggo ng pantanging gawain.
Nang magkagayon, nang dakong huli ng 1926, sinimulang pasiglahin ng Samahan ang mga kongregasyon Juan 15:1-10.) Ito ba’y talagang nagbunga ng higit na pangmadlang papuri kay Jehova? Noong taóng 1928 ay nagkaroon ng 53-porsiyentong pagsulong sa katamtamang bilang ng mga nakikibahagi sa pagpapatotoo linggu-linggo sa Estados Unidos!
na gamitin ang bahagi ng araw ng Linggo bilang panahon para sa panggrupong pagpapatotoo at upang ialok hindi lamang ang mga tract kundi gayundin ang mga aklat para sa pag-aaral sa Bibliya. Noong 1927, hinimok ng The Watch Tower ang mga taong tapat sa mga kongregasyon na alisin sa pagiging elder ang sinuman na sa pamamagitan ng salita o kilos ay nagpapahiwatig na hindi sila tumatanggap ng pananagutan na magpatotoo sa madla at sa bahay-bahay. Kaya, gaya noon, ang mga sangang hindi nagbubunga ay inalis, samantalang ang mga nananatili ay pinungusan upang makapagbunga nang higit sa ikapupuri ng Diyos. (Ihambing ang ilustrasyon ni Jesus saNgayon ang mga Saksi ay hindi lamang nagpapasakamay ng isang libreng tract sa mga tao at pagkatapos ay lumilipat sa iba. Higit na marami sa kanila ang sandaling nakikipag-usap sa mga maybahay, na sinisikap na pumukaw ng interes sa mensahe ng Bibliya, at pagkatapos ay nag-aalok sa kanila ng mga aklat upang basahin.
Tunay ngang matatapang ang unang mga Saksing iyon, bagaman hindi lahat ay mataktika. Sa kabila nito, sila’y napapaiba sa ibang mga grupong relihiyoso. Hindi lamang nila basta sinasabi na ang bawat isa’y dapat magpatotoo sa kaniyang pananampalataya. Parami nang parami sa kanila ang aktuwal na gumagawa nito.
Mga Testimony Card at Ponograpo
Noong dakong huli ng 1933 ibang uri ng pangangaral ang pinasimulan. Bilang pambungad, ang mga Saksi ay nag-aabot sa mga tao ng isang testimony card na may maigsing mensahe upang basahin ng maybahay. Napakalaking tulong ito sa bagong mga mamamahayag, na hindi tumatanggap ng gaanong pagsasanay noong mga kaarawang iyon. Kadalasan, nagpapaliwanag lamang sila nang maigsi sa maybahay pagkatapos na mabasa ang card; ang iba ay nagsasalita nang mahaba, na ginagamit ang Bibliya. Ang paggamit ng testimony card ay nagpatuloy hanggang sa unang bahagi ng dekada ng 1940. Napabilis nito ang paggawa sa teritoryo, at nakatulong sa mga Saksi upang makaabot sa lalong maraming tao, magpasakamay sa kanila ng maraming mahahalagang literatura sa Bibliya, magbigay ng nagkakasuwatong pagpapatotoo, at magharap pa rin ng mensahe sa mga taong gumagamit ng wikang hindi nila alam. Ito’y nagdulot din ng ilang nakahihiyang situwasyon kapag kinukuha ng maybahay ang card at biglang isinasara ang pinto, at tuloy nangangailangang kumatok uli ang Saksi upang ito’y makuha muli!
Mahalagang papel din ang ginampanan ng isinaplakang mga pahayag sa Bibliya noong dekada ng 1930 at sa kaagahan ng dekada ng 1940. Noong 1934 ang ilan Exodo 4:14-16.) Dahil sa pag-uusyoso buong mga pamilya kung minsan ang nakikinig sa mga plaka.
sa mga Saksi ay nagsimulang magdala ng isang bitbiting ponograpo kapag nagpapatotoo. May kabigatan ang makina, kaya kung minsa’y inilalagay nila ito sa kanilang kotse o iniiwan ito sa isang kombinyenteng lugar hanggang sa matagpuan ang mga taong interesadong makinig sa isang isinaplakang pahayag sa Bibliya. Pagkatapos, noong 1937, sinimulan ang paggamit ng bitbiting ponograpo doon mismo sa mga pintuan. Simple ang pamamaraan: Matapos sabihin na mayroon siyang mahalagang mensahe sa Bibliya, ipapatong na lamang ng Saksi ang karayom sa plaka at hahayaang ito na ang magpahayag. Si Kasper Keim, isang payunir na Aleman na naglilingkod sa Netherlands, ay gayon na lamang ang pasasalamat sa kaniyang “Aaron,” gaya ng tawag niya sa ponograpo, sapagkat nahihirapan siyang magpatotoo sa wikang Olandes. (Ihambing angNoong 1940, mahigit na 40,000 ponograpo ang ginagamit. Nang taóng iyan sinimulang gamitin ang isang bagong modelong patindig na dinisenyo at niyari ng mga Saksi, at ito ang ginamit lalo na sa Amerika. Ito’y lalong nag-udyok ng pag-uusisa ng mga maybahay sapagkat hindi nila nakikita ang plaka habang ito’y pinatutugtog. Ang bawat plaka ay 78 rpm at may habang apat at kalahating minuto. Ang mga pamagat ay maiigsi at tuwiran sa punto: “Kaharian,” “Panalangin,” “Daang Patungo sa Buhay,” “Trinidad,” “Purgatoryo,” “Kung Bakit Sumasalansang ang mga Klero sa Katotohanan.” Mahigit na 90 iba’t ibang mga pahayag ang isinaplaka; mahigit na isang milyong plaka ang ginamit. Ang mga presentasyon ay malinaw at madaling masubaybayan. Maraming maybahay ang nakinig nang may pagpapahalaga; may ilan na tumugon nang pagalit. Ngunit isang mabisa at nagkakaisang pagpapatotoo ang naibibigay.
Lakas-loob na Inihahayag ang Mabuting Balita sa mga Dakong Pampubliko
Bagaman ang karamihan ng “pagsasalita” ay ginagawa noon sa pamamagitan ng mga testimony card at mga plaka ng ponograpo, talagang kailangan ang tibay ng loob upang maging isang Saksi noong mga taóng iyon. Napalantad ang indibiduwal na mga Saksi sa harap ng madla dahil sa pinaka-kaurian mismo ng gawain.
Pagkatapos ng kombensiyon sa Columbus, Ohio noong 1931, ipinamahagi ng mga Saksi ni Jehova ang buklet na The Kingdom, the Hope of the World, na may kalakip na resolusyong pinamagatang “Babala Mula kay Jehova” na sadyang para “Sa mga Pinunò at sa mga Tao.” Napagtanto nila na bilang mga Saksi kay Jehova, isang malaking pananagutan ang nakaatang sa kanila upang ihatid ang babalang nakalahad sa kaniyang Salita. (Ezek. 3:17-21) Ang mga buklet na ito ay hindi nila basta inihulog sa koreo o inilagay sa ilalim ng mga pinto. Ang mga ito’y personal nilang inihatid. Dumalaw sila sa lahat ng mga klero, at hangga’t magagawa, sa mga pulitiko, opisyal ng militar, at mga tagapangasiwa ng malalaking korporasyon. Bilang karagdagan, dinalaw nila ang mga tao sa pangkalahatan sa humigit-kumulang isang daang lupain kung saan organisadong nagpapatotoo noon ang mga Saksi ni Jehova.
Pagsapit ng 1933 gumagamit na sila ng malalakas na transcription machine upang patugtugin ang mga plaka ng malinaw na mga pahayag mula sa Bibliya sa pampublikong mga dako. Ikinabit nina Brother Smets at Brother Poelmans ang kanilang kasangkapan sa isang tricycle at tumayo sa tabi nito habang umaalingawngaw ang mensahe sa mga pamilihang-dako at malapit sa mga simbahan sa Liège, Belgium. Sila’y madalas na naroroon sampung oras sa isang araw. Kaagad ay nagtitipon ang mga tao sa Jamaica kapag may naririnig silang musika, kaya ang mga kapatid na lalaki roon ay nagpapatugtog muna. Nang ang mga tao ay maglabasan mula sa may gubat patungo sa mga pangunahing daan upang makita kung ano ang nangyayari, nasusumpungan nila ang mga Saksi ni Jehova na nagpapahayag ng mensahe ng Kaharian.
Ang ilan sa mga transcription machine na iyon ay ikinabit sa mga kotse at sa mga barko, na may loudspeaker sa bubungan upang higit na mapaalingawngaw ang tunog. Sina Bert at Vi Horton, sa Australia, ay gumamit ng isang sasakyan na may nakakabit na malaking loudspeaker sa bubungan na nakasulat ang mga salitang “Mensahe ng Kaharian.” Sa loob ng isang taon ay ipinaaalingawngaw nila sa halos bawat kalye sa Melbourne ang nakapupukaw na mga paglalantad sa huwad na relihiyon at ang nakapagpapasigla-sa-pusong mga paglalarawan ng mga pagpapala ng Kaharian ng Diyos. Nang mga taóng iyon si Claude Goodman ay nagpapayunir sa India. Ang paggamit ng kotseng may loudspeaker, na may mga plaka sa lokal na mga wika, ay tumulong sa kaniyang marating ang malalaking pulutong sa mga pamilihan, sa mga parke, sa tabi ng daan—saanman may mga taong matatagpuan.
Nang iparada ng mga kapatid sa Lebanon ang kanilang kotseng may loudspeaker sa isang mataas na dako at iparinig ang mga pahayag, ang tunog ay umalingawngaw hanggang sa mga libis. Ang mga tao sa mga nayon, palibhasa’y hindi nila nakikita kung saan nagmumula ang tinig, ay natatakot kung minsan, sa pag-aakalang nagsasalita sa kanila ang Diyos mula sa langit!
Gayunman, nagkaroon din ng ilang panahon ng kaigtingan para sa mga kapatid. Sa isang okasyon, sa Syria, iniwan ng isang pari sa nayon ang kaniyang tanghalian sa mesa, kinuha ang kaniyang malaking baston, at sumugod sa grupo na nagtitipon upang pakinggan ang isang pahayag sa Bibliya na ipinaririnig mula sa kotseng may loudspeaker. Habang pagalit na iniwawasiwas ang kaniyang baston at sumisigaw, siya’y nag-utos: “Tigil! Iniuutos ko sa inyo na tumigil kayo!” Subalit napagtanto ng mga kapatid na hindi lahat ay sang-ayon sa kaniya; may ilan sa kanila na gustong makinig. Di-nagtagal, nagtulung-tulong ang ilan sa pulutong na buhatin ang pari at ibalik siya sa kaniyang bahay, kung saan pinaupo nila siya muli sa mesa ng pananghalian! Sa kabila ng pagsalansang ng mga klero, buong-tapang na tiniyak ng mga Saksi na ang mga tao ay may pagkakataong makarinig.
Nang panahon ding ito naging laganap ang paggamit ng nag-aanunsiyong mga plakard na isinuot ng mga Saksi sa lugar ng mga bahay-kalakal samantalang ipinamamahagi nila ang mga paanyaya sa pantanging mga pahayag. Ito’y nagsimula noong 1936 sa Glasgow, Scotland. Noong taóng iyon ang gayunding paraan ng pag-aanunsiyo b at, “Paglingkuran ang Diyos at ang Kristong Hari.” Sa panahon ng isang kombensiyon, ang hanay ng mga nagmamartsa na may dalang mga karatulang ito ay maaaring may haba na ilang kilometro. Habang tahimik silang nagmamartsa, sa iisang linya, sa mga lansangang maraming sasakyan, ang epekto ay katulad sa hukbo ng sinaunang Israel na lumilibot sa Jerico bago bumagsak ang mga pader nito. (Jos. 6:10, 15-21) Mula sa London, Inglatera, hanggang sa Maynila, sa Pilipinas, ang gayong tibay-loob na pagpapatotoo ay ginawa.
ay ginamit sa London, Inglatera, at pagkatapos ay sa Estados Unidos. Pagkaraan ng dalawang taon idinagdag sa ganitong uri ng pag-aanunsiyo ang pagtataas ng mga karatulang nakapako sa mga kahoy. Ang mga karatulang ito ay nagpapahayag, na “Ang Relihiyon ay Silo at Pangungulimbat”Isa pang paraan ng pangmadlang pagpapatotoo ang inilunsad noong 1940. Kaayon ng kasulatan na tumutukoy sa ‘tunay na karunungan na humihiyaw nang malakas sa lansangan,’ noong Pebrero ng taóng iyan sinimulan ng mga Saksi ni Jehova ang pamamahagi ng Ang Bantayan at Consolation (ngayo’y tinatawag na Gumising!) sa mga kanto ng mga lansangan. c (Kaw. 1:20) Sumisigaw sila ng mga sawikain na umaakay ng atensiyon sa mga magasin at sa balitang nilalaman ng mga ito. Sa malalaking lunsod at maliliit na bayan sa lahat ng bahagi ng daigdig, ang mga Saksi ni Jehova na nag-aalok ng kanilang mga magasin ay naging pangkaraniwang tanawin. Subalit ang paggawa nito ay nangangailangan ng tibay ng loob, at lalo nang totoo ito nang nagpapasimula pa lamang ang gawaing ito, sapagkat iyon ay panahon ng matinding pag-uusig na may kasamang kaigtingang dulot ng nasyonalismo noong panahon ng digmaan.
Nang sila’y tawagang makibahagi sa gayong pangmadlang pagpapatotoo, ang mga Saksi ay tumugon nang may pananampalataya. Ang bilang ng mga may personal na bahagi sa gawain ay patuloy na dumami. Ibinilang nilang pribilehiyo na ipakita ang kanilang katapatan kay Jehova sa paraang ito. Subalit may higit pang dapat nilang matutuhan.
Kayang Ipaliwanag ng Bawat Isa ang Kaniyang Pananampalataya
Isang kapansin-pansing programa ng edukasyon ang inilunsad noong 1942. Ito’y nagsimula sa pandaigdig na punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova, at nang sumunod na taon, ito’y sinimulan din sa mga kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova sa buong lupa. Taglay ang pagtitiwala na sumasakanila ang espiritu ng Diyos at na ang kaniyang salita ay inilagay niya sa kanilang mga bibig, sila’y determinadong ipangaral ang salitang iyon kahit na kung sila’y pagkaitan man ng mga mang-uusig ng mga publikasyon ng Watch Tower o maging ng Bibliya mismo. (Isa. 59:21) Mayroon nang mga lupain noon, tulad ng Nigeria, kung saan ang Bibliya lamang ang ginagamit ng mga Saksi sa pangangaral, yamang ipinagbawal ng gobyerno ang lahat ng literatura ng Watch Tower at kinumpiska pa rin ang mga publikasyong nasa personal na mga aklatan ng marami sa mga kapatid.
Noong Pebrero 16, 1942, pinasimulan ni Brother Knorr ang isang pasulong na kurso sa teokratikong pagmiministro sa Tahanang Bethel sa Brooklyn, New York. Ang kurso ay naglaan ng instruksiyon sa mga paksang tulad ng pagsasaliksik, pagpapahayag ng sarili nang malinaw at may kawastuan, pagbalangkas ng materyal na ihaharap sa pahayag, mabisang pagbibigay ng mga pahayag, paghaharap ng mga idea sa nakakukumbinsing paraan, at ang pagiging mataktika. Kapuwa mga kapatid na lalaki at babae ang maaaring dumalo, ngunit tanging ang mga lalaki ang inanyayahang magpatala at magbigay ng mga pahayag ng estudyante na doon sila binibigyan ng payo. Kaagad ay nakita ang kapakinabangan hindi lamang sa pagsasalita sa plataporma kundi sa higit na mabisang pangangaral din sa bahay-bahay
Nang sumunod na taon ang paaralang ito ay pinasimulan din sa lokal na mga kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig. Ito’y unang ginanap sa Ingles, saka sa ibang mga wika. Ang binanggit na layunin ng paaralan ay upang tulungan ang bawat isa sa mga Saksi ni Jehova na magkaroon ng kakayahang magturo sa iba kapag dumadalaw sa mga tao sa bahay-bahay, gumagawa ng mga pagdalaw-muli, at nagdaraos ng mga pag-aaral 2 Tim. 2:2) Noong 1959, ang mga kapatid na babae ay binigyan din ng pagkakataong magpatala sa paaralan at magharap ng mga pahayag na parang nasa paglilingkod sa larangan—hindi nagpapahayag sa lahat ng mga tagapakinig kundi, sa halip, sa isa na tumatayo bilang maybahay. At hindi lamang ito.
sa Bibliya. Ang bawat Saksi ay tutulungang maging kuwalipikadong ministro. (Mula noong 1926, ang naglalakbay na mga tagapangasiwa ng Samahan ay sumasama sa indibiduwal na mga Saksi sa paglilingkod sa larangan, upang tulungan silang pasulungin ang kanilang kakayahan. Gayunman, sa isang internasyonal na kombensiyon sa New York noong 1953, samantalang nakaupo sa harapan ng plataporma ang mga tagapangasiwa ng sirkito at distrito, ipinahayag ni Brother Knorr na ang pangunahing gawain ng lahat ng mga lingkod, o tagapangasiwa, ay ang tulungan ang bawat Saksi na maging regular na ministro sa bahay-bahay. “Bawat isa,” aniya, “ay nararapat na may kakayahang ipangaral ang mabuting balita sa bahay-bahay.” Isang pambuong-daigdig na kampanya ang inilunsad upang ito’y matamo.
Bakit gayon na lamang ang pagdiriin sa bagay na ito? Isaalang-alang bilang halimbawa ang Estados Unidos: Noong panahong iyon 28 porsiyento ng mga Saksi ang namamahagi lamang ng mga handbill o tumatayo sa mga lansangan taglay ang mga magasin. At ang mahigit na 40 porsiyento ng mga Saksi ay manaka-naka lamang na nakikibahagi sa paglilingkod sa larangan, na pinababayaang makalipas ang ilang buwan na walang anumang ginagawang pagpapatotoo. Kinailangan ang maibiging tulong sa pamamagitan ng paglalaan ng personal na pagsasanay. Gumawa ng mga plano upang tiyakin na lahat ng mga Saksi ni Jehova na noo’y hindi mga Saksing nagbabahay-bahay ay mabigyan ng tulong sa paglapit sa mga tao sa kanilang mga pintuan, sa pakikipag-usap sa kanila mula sa Bibliya, at sa pagsagot sa kanilang mga tanong. Matututuhan nilang ihanda ang maka-Kasulatang mga sermon na maibibigay nila sa loob ng mga tatlong minuto kung ang tao ay abala, o mga walong minuto para sa iba. Ang tunguhin ay ang tulungan ang bawat Saksi na maging isang maygulang na Kristiyanong ebanghelisador.
Hindi lamang ang naglalakbay na mga tagapangasiwa ang nagbibigay ng instruksiyong ito. Ibinibigay rin ito ng lokal na mga lingkod, o tagapangasiwa; at nang sumunod na mga taon, iba pang kuwalipikadong mga Saksi ang inatasang magsanay sa ilan. Sa marami nang taon, ang mga pagtatanghal kung papaano ginagawa ang gawain ay inilaan na sa lingguhang Pulong Ukol sa Paglilingkod ng kongregasyon. Ngunit ngayon ito’y may kasamang higit na pagdiriin sa personal na pagsasanay sa larangan.
Naging katangi-tangi ang mga resulta. Ang bilang ng mga Saksi na nangangaral sa bahay-bahay ay sumulong, gayundin ang bilang ng regular na nakikibahagi sa ministeryo sa larangan. Sa loob ng isang dekada ang kabuuang bilang ng mga Saksi sa buong daigdig ay sumulong ng 100 porsiyento. Sila’y gumagawa rin ng 126 na porsiyentong higit na mga pagdalaw-muli upang sagutin ang mga tanong sa Bibliya ng mga taong interesado, at sila’y nagdaraos ng 150 porsiyentong higit na regular na mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya sa mga nagugutom sa katotohanan ng Bibliya. Tunay na napapatunayan nilang sila’y kuwalipikadong mga ministro.
Kung isasaalang-alang ang iba’t ibang pinagmulang edukasyon at kultura ng mga Saksing ito, at ang bagay na sila’y nakakalat sa maliliit na grupo sa buong lupa, nagiging maliwanag kung bakit ibinibigay ng mga Saksi ang papuri, hindi sa kaninumang tao, kundi sa Diyos na Jehova dahil sa paraan ng pagsasangkap at pagsasanay sa kanila upang ihayag ang mabuting balita.—Juan 14:15-17.
Pangangaral sa Bahay-Bahay—Isang Pagkakakilanlan
Sa iba’t ibang panahon ang ibang mga grupong relihiyoso ay nagpasigla sa kanilang mga miyembro na dumalaw sa tahanan ng mga tao sa kanilang komunidad upang pag-usapan ang relihiyon. Ito’y sinubukan din ng ilan. Ito’y ginagawa pa man din ng ilan bilang mga misyonero sa loob ng dalawang taon, ngunit pagkatapos ay tumitigil na. Subalit, tanging sa gitna ng mga Saksi ni Jehova lamang na lahat, bata at matanda, lalaki at babae, ay nakikibahagi taun-taon nang walang tigil sa ministeryo sa bahay-bahay. Tanging ang mga Saksi ni Jehova lamang ang talagang nagsisikap na abutin ang buong tinatahanang lupa ng mensahe ng Kaharian, bilang pagsunod sa makahulang utos sa Mateo 24:14.
Hindi ito dahil sa madali sa lahat ng mga Saksi ni Jehova ang gawaing ito. d Sa kabaligtaran, marami sa kanila, nang una silang magsimulang mag-aral ng Bibliya, ay nagsabi: ‘Isang bagay lamang ang hindi ko kailanman gagawin, at iyon ay ang magbahay-bahay!’ Gayunman, ito’y ginagawa ng halos lahat ng mga Saksi ni Jehova kung ipinahihintulot ng kanilang pisikal na kalagayan. At marami na may kapansanan ang gumagawa nito sa kabila ng kanilang kalagayan—sa mga silyang de gulong, taglay ang baston, at iba pa. Ang iba—na kailanma’y hindi makaaalis sa kanilang tahanan, o pansamantalang nakakulong sa bahay, o upang marating ang mga taong hindi maabot sa ibang paraan—ay nagpapatotoo sa pamamagitan ng telepono o mga liham. Bakit gayon na lamang ang kanilang pagsisikap?
Habang nakikilala nila si Jehova, ang pag-ibig nila sa kaniya ay nagpapabago sa buong pangmalas nila sa buhay. Nais nilang magsalita hinggil sa kaniya. Ang kamangha-manghang mga bagay na ilalaan niya para sa mga umiibig sa kaniya ay napakabuti anupat hindi nila maaaring sarilinin lamang. At nadarama nila ang pananagutan sa harap ng Diyos na babalaan ang mga tao tungkol sa malaking kapighatian na napipinto na. (Mat. 24:21; ihambing ang Ezekiel 3:17-19.) Subalit bakit ito ginagawa sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay?
Alam nila na tinuruan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na nagtungo sa mga tahanan ng mga tao upang mangaral at magturo. (Mat. 10:11-14) Batid nila na matapos ibuhos ang banal na espiritu noong Pentecostes 33 C.E., ang mga apostol ay nagpatuloy nang walang-tigil sa paghahayag ng mabuting balita “sa templo [sa Jerusalem] at sa bahay-bahay.” (Gawa 5:42) Kabisado ng bawat Saksi ang Gawa 20:20, na nagsasabi na si apostol Pablo ay nagturo “sa madla at sa bahay-bahay.” At nakikita nila ang saganang ebidensiya ng pagpapala ni Jehova sa gawaing ito sa modernong panahon. Kaya, habang nagkakaroon ng higit na karanasan sa ministeryo sa bahay-bahay, ang gawain na dati nilang pinangangambahan ay madalas na nagiging isang bagay na kanilang pinananabikan.
At lubus-lubusan ang paggawa nila nito. Nag-iingat sila ng kumpletong mga rekord upang muli nilang madalaw at makausap ang mga hindi naratnan sa bahay noong una. Hindi lamang iyan, kundi paulit-ulit nilang dinadalaw ang bawat tahanan.
Dahilan sa ang ministeryo sa bahay-bahay ay totoong mabisa, pinagsikapan itong pahintuin ng mga mananalansang sa maraming lupain. Upang makuha ang opisyal na pagsang-ayon sa kanilang karapatang mangaral sa bahay-bahay, ang mga Saksi ni Jehova ay gumagawa ng apelasyon sa mga opisyal ng pamahalaan. Kapag kinakailangan, sila’y nagtutungo sa hukuman upang legal na maitatag ang karapatang palaganapin ang mabuting balita sa ganitong paraan. (Fil. 1:7) At sa mga lugar na tuwirang ipinagbawal ng mapang-aping mga gobyerno ang gayong gawain, ginagawa na lamang ito ng mga Saksi ni Jehova nang palihim o, kung kinakailangan, gumamit ng ibang pamamaraan upang iparating sa mga tao ang mensahe ng Kaharian.
Bagaman noon ay ginagamit na ang mga brodkast sa radyo at telebisyon upang palaganapin ang mensahe ng Kaharian, natatalos ng mga Saksi ni Jehova na ang personal na pakikipag-usap na nagagawa sa mga pagdalaw sa bahay-bahay ay higit na mabisa kaysa sa mga ito. Naglalaan ito ng higit na pagkakataon upang sagutin ang mga tanong ng bawat maybahay at upang hanapin ang mga karapat-dapat. (Mat. 10:11) Isa iyan sa mga dahilan kung bakit, noong 1957, ipinagbili ng Samahang Watch Tower ang istasyon ng radyo na WBBR sa New York.
Gayunman, matapos mabigyan ng personal na pagpapatotoo ang mga tao, hindi iniisip ng mga Saksi ni Jehova na tapos na ang kanilang gawain. Ito’y nagsisimula pa lamang.
“Gumawa ng mga Alagad . . . na Tinuturuan Sila”
Inutusan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na gumawa ng higit kaysa mangaral lamang. Bilang pagtulad sa kaniya, kailangan din nilang magturo. (Mat. 11:1) Bago siya umakyat sa langit, inutusan niya sila: “Humayo samakatuwid at gumawa ng mga alagad sa mga tao sa lahat ng mga bansa, . . . na tinuturuan sila na ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo.” (Mat. 28:19, 20) Ang pagtuturo (Griego, di·daʹsko) ay iba sa pangangaral sapagkat higit ang ginagawa ng tagapagturo kaysa magpahayag lamang; siya’y nagbibigay ng instruksiyon, nagpapaliwanag, naglalaan ng mga katibayan.
Ang Watch Tower, sing-aga ng Abril 1881, ay naglaan ng ilang maiikling mungkahi kung papaano maaaring magturo. Tiniyak ng ilan sa naunang mga colporteur na dumalaw-muli sa mga nagpapakita ng interes, upang pasiglahin silang basahin ang mga aklat ng Samahan at makipagtipon sa iba upang regular na mag-aral ng Salita ng Diyos. Ang aklat na The Harp of God (inilathala noong 1921) ang madalas na ginagamit noon sa layuning iyon. Gayunman, nang dakong huli, higit pa ang ginawa upang mabigyan ng personal na atensiyon ang mga interesado. Isinaplakang mga pahayag sa Bibliya na may kasamang nakalimbag na mga gabay sa pag-aaral ang pangunahing ginamit sa gawaing ito. Papaano naisagawa ito?
Mula nang unang bahagi ng 1933, idinagdag ng Samahan sa mga brodkast sa radyo ang mga plaka na pinatutugtog sa mga transcription equipment na maaaring dalhin sa mga bulwagan, sa mga parke, sa may pintuan ng mga pabrika, at iba pa. Di-nagtagal, ang mga Saksing nakatagpo ng mga taong interesado sa pagbabahay-bahay ay gumawa ng kaayusan na bumalik upang patugtugin sa kanila ang ilan sa mga plakang ito sa kanilang mga tahanan. Nang lumabas ang aklat na Kayamanan noong 1936 (sa Ingles), ang mga pagtalakay batay rito ay ginamit, matapos marinig ang mga plaka, upang magtatag ng mga pag-aaral na maaaring daluhan ng mga taong interesado sa lugar na iyan. Ang pangunahing layunin ng gawaing ito ay upang tulungan ang maaaring maging mga miyembro ng “lubhang karamihan” upang matuto ng katotohanan.—Apoc. 7:9, KJ.
Nang panahong iyon, pinatindi ng herarkiyang Katoliko ang panggigipit nila sa mga may-ari at manedyer ng mga istasyon ng radyo gayundin sa mga ahensiya ng pamahalaan sa isang puspusang pagsisikap na pahintuin ang pagsasahimpapawid ng mga programa ng Watch Tower. Isang petisyon na nilagdaan ng 2,630,000 katao sa Estados Unidos ang humiling ng isang pangmadlang debate sa pagitan ni J. F. Rutherford at ng isang mataas na opisyal ng Iglesya Katolika Romana. Wala sa mga klero ng Katoliko ang handang tumanggap sa hamon. Kaya, noong 1937, si Brother Rutherford ay gumawa ng mga plaka na pinamagatang “Inilantad” at “Relihiyon at Kristiyanismo,” na nagharap ng saligang mga turo ng Bibliya, lalo na upang pabulaanan ang di-maka-Kasulatang mga turo ng Katoliko. Ang gayunding materyal ay inilathala sa mga buklet na Protection at Uncovered, at isang sipi ng Uncovered ang personal na inihatid sa bawat isa na lumagda sa petisyon upang mabasa mismo ng mga tao ang
mga katotohanan ng Bibliya na sinisikap na sugpuin ng herarkiyang Katoliko.Upang tulungan ang mga tao na makitang maliwanag ang mga isyu at suriin ang maka-Kasulatang saligan ng mga ito, ang buklet na Model Study Blg. 1 ay nilimbag upang gamitin sa mga miting na isinaayos para sa mga taong interesado. Ang buklet ay may mga tanong, mga sagot, at mga kasulatan upang suhayan ang ibinigay na mga sagot. Una, patutugtugin ng konduktor ang isa o higit pa sa isinaplakang mga pahayag na nabanggit upang marinig ng lahat ang pangkalahatang pangangatuwiran. Pagkatapos, ito’y susundan ng mga pagtalakay, na ginagamit ang materyal na nasa buklet na Model Study at sinusuri nila mismo ang mga kasulatan. Ang Model Study Blg. 1 ay sinundan ng Blg. 2 at 3, na ginamit na kaugnay ng iba pang isinaplakang mga pahayag. Ang gayong mga pag-aaral ay unang isinaayos sa mga lugar kung saan may matitipong grupo ng mga interesado, subalit di-natagalan ang mga ito’y idinaos din sa mga indibiduwal at sa mga pamilya.
Simula noon maraming napakahusay na mga aklat ang sadyang inilaan upang gamitin ng mga Saksi ni Jehova sa pagdaraos ng pantahanang mga pag-aaral sa Bibliya. Yaong mga may pinakamalaking sirkulasyon ay ang “Hayaang ang Diyos ang Maging Tapat,” Ang Katotohanan na Umaakay Patungo sa Buhay na Walang Hanggan, at Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Mayroon ding mga 32-pahinang buklet—“Ang Mabuting Balitang Ito ng Kaharian,” Ang Daan ng Diyos ay Pag-ibig, “Narito! Ginagawa Kong Bago ang Lahat ng mga Bagay,” at marami pang iba. Ang mga ito’y sinundan ng mga brosyur tulad ng Tamasahin ang Buhay sa Lupa Magpakailanman!, na naglalaman ng simple at madaling-maunawaang presentasyon ng saligang mga turo ng Bibliya.
Ang paggamit ng mga instrumentong ito, kalakip ng masinsinang pang-kongregasyon at personal na pagsasanay, ay nagbunga ng kamangha-manghang pagdami sa idinaraos na pantahanang mga pag-aaral sa Bibliya. Noong 1950, ang pantahanang mga pag-aaral sa Bibliya, na madalas ay idinaraos minsan isang linggo, ay may aberids na 234,952. Ang mga pag-aaral na hindi gaanong sumusulong ay inihihinto. Maraming estudyante ang sumusulong hanggang sa punto na sila rin naman ay nagiging mga guro. Sa kabila ng palaging pagpapalit-palit ng mga tinuturuan, ang bilang ay patuloy na lumalago, at kadalasa’y napakabilis nito. Noong 1992, ang mga Saksi ay nagdaraos ng 4,278,127 pantahanang mga pag-aaral sa Bibliya sa buong daigdig.
Upang maisagawa ang napakalaking gawaing ito ng pangangaral at pagtuturo, sa mga wika ng buong lupa, malawakang ginagamit ng mga Saksi ni Jehova ang nakalimbag na mga publikasyon. Ito’y nangangailangan ng napakalaking pasilidad sa paglalathala.
[Mga talababa]
a Ang gawaing pastoral ay unang inorganisa noong 1915-16 sa mga 500 kongregasyon na naghalal kay Brother Russell bilang kanilang pastor. Bilang pastor, siya’y sumulat sa kanila upang balangkasin ang gawain, na noong pasimula ay limitado sa mga kapatid na babae lamang. Nang sumunod na taon ang mga kapatid na lalaki ay isinama rin sa gawaing ito. Ang gawaing pastoral na ito, na ginawa ng isang piling grupo, ay nagpatuloy hanggang 1921.
b Ang gayong pananalita ay batay sa pagkaunawa na ang salitang relihiyon ay sumasaklaw sa lahat ng pagsambang nakasalig sa mga tradisyon ng tao, sa halip na sa Salita ng Diyos, ang Bibliya. Gayunman, noong 1950, nang ilathala ang New World Translation of the Christian Greek Scriptures, ang mga talababa sa Gawa 26:5, Colosas 2:18, at Santiago 1:26, 27 ay nagpahiwatig na ang salitang relihiyon ay maaaring wastong gamitin upang tumukoy sa tunay o sa di-tunay na pagsamba. Ito’y lalo pang nilinaw sa Ang Bantayan ng Marso 15, 1951 (sa Ingles), pahina 191, at sa aklat na Ano ang Nagawa ng Relihiyon Para sa Sangkatauhan?, mga pahina 8-10.
c Ang ilang pagpapatotoo sa lansangan na ginagamit ang mga magasin ay ginawa bilang pagsubok lamang nang sinundang taon, sa California, E.U.A. Maging sing-aga pa ng 1926, ang mga Estudyante ng Bibliya ay nakibahagi na sa pangkalahatang pamamahagi sa lansangan ng mga buklet na naglalaman ng mahahalagang mensahe. Mas maaga pa, noong 1881, sila’y namahagi ng literatura malapit sa mga simbahan kung araw ng Linggo.
d Ang Bantayan, Nobyembre 15, 1981, p. 10-15.
[Blurb sa pahina 556]
Saanman siya makasumpong ng tao, nagsasalita si Jesus tungkol layunin ng Diyos para sa sangkatauhan
[Kahon sa pahina 559]
Natatanging Pagpapala sa Gawaing Pagbabahay-bahay
“Katulad noong unang pagparito, ang gawaing pagbabahay-bahay, sa halip na pangangaral sa pulpito, ang tila tumatanggap ng natatanging pagpapala ng Panginoon.”—“Watch Tower,” Hulyo 15, 1892.
[Kahon sa pahina 570]
Kung Bakit Paulit-ulit na Dumadalaw ang mga Saksi
Upang ipaliwanag kung bakit paulit-ulit na dumadalaw ang mga Saksi ni Jehova sa bawat tahanan, “Ang Bantayan” ng Hulyo 1, 1962 (sa Ingles), ay nagsabi: “Laging nagbabago ang mga kalagayan. Sa araw na ito baka wala sa tahanan ang isang tao, sa susunod ay baka nandoon siya. Sa araw na ito baka masyado siyang abala upang makinig, ngunit sa susunod ay baka hindi na. Sa araw na ito ang sumasagot sa pinto ay isang miyembro ng pamilya, sa susunod ay iba naman; at ang mga Saksi ay hindi lamang interesado na puntahan ang bawat tahanan sa kanilang mga atas kundi, hangga’t maaari, ay makausap din ang bawat maygulang na tao sa bawat tahanan. Malimit na nababahagi ang mga pamilya sa iba’t ibang relihiyon, kaya hindi laging makasasagot ang isang miyembro para sa buong pamilya. Bukod dito, maraming tao ang patuloy na lumilipat kung kaya hindi matitiyak ng mga Saksi kung sinong talaga ang kanilang matatagpuan sa isang pintuan.
“Hindi lamang nagbabago ang mga kalagayan, kundi ang mga tao mismo ay nagbabago rin. . . . Dahil sa isang maliit na problema maaaring naging masungit ang isang lalaki at ayaw pag-usapan ang relihiyon o anumang bagay sinuman ang pumunta sa pintuan niya, subalit hindi ito nangangahulugan na magiging gayundin ang kaniyang saloobin sa susunod na pagkakataon. O, hindi komo walang interes ang isang lalaki sa pakikipag-usap tungkol sa relihiyon noong nakaraang buwan ay mangangahulugang gayundin siya sa buwang ito. Mula nang huling dalawin siya ng isang Saksi ang lalaking ito ay maaaring dumanas ng lubhang malungkot na karanasan o sa anumang paraan ay natutong maging mapagpakumbaba sa halip na mapagmataas, gutom at gising sa kaniyang espirituwal na pangangailangan kaysa nasisiyahan na lamang sa kaniyang kalagayan.
“Isa pa, ang mensahe na dinadala ng mga Saksi ay waring kakatwa sa maraming tao at hindi nila agad masakyan ang kaselangan nito. Tanging kung ito’y paulit-ulit na maririnig nila saka lamang nila ito unti-unting nauunawaan.”
[Kahon/Larawan sa pahina 574]
Gumagamit ng “Lahat ng Posibleng Paraan”
“Kami naman na nasa loob ng organisasyon ng Panginoon ay nagsumikap, sa lahat ng posibleng paraan, na ibaling ang pansin [ng sanlibutan] sa mensahe ng buhay. Gumamit kami ng mga salawikain, mga anunsiyong buong-pahina, radyo, mga kotseng may loudspeaker, nabibitbit na ponograpo, pagkalalaking kombensiyon, mga parada ng information-walkers na may dalang mga karatula, at isang dumaraming hukbo ng mga ministro sa bahay-bahay. Ang gawaing ito ay nagsilbing tagapagbahagi sa mga tao—ang mga nasa panig ng tatag na Kaharian ng Diyos, at ang mga laban dito na nasa kabilang panig. Ito ang gawain na inihula ni Jesus para sa aking sanlinlahi.”—Isinulat noong 1987 ni Melvin Sargent, nang siya’y 91 taóng gulang.
[Larawan]
Melvin Sargent
[Graph sa pahina 574]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Pagdami ng Pantahanang Pag-aaral sa Bibliya
4,000,000
3,000,000
2,000,000
1,000,000
1950 1960 1970 1980 1992
[Mga larawan sa pahina 557]
Sampu-sampung milyon ng mga tract na ito ang ipinamahagi, nang walang bayad, malapit sa mga simbahan, sa bahay-bahay, at sa pamamagitan ng koreo
[Mga larawan sa pahina 558]
Ang mga colporteur na ebanghelisador ay namahagi ng mga aklat na nagpapaliwanag sa Bibliya
[Larawan sa pahina 559]
Narating ni Anna Andersen ang halos bawat bayan sa Norway na dala ang literatura sa Bibliya
[Mga larawan sa pahina 560]
Mga anunsiyo sa pahayagan ang tumulong upang maabot ang mga taong hindi matagpuan sa ibang mga paraan
[Mga larawan sa pahina 561]
Mahigit na 2,000 pahayagan sa apat na kontinente ang sabay-sabay na naglalathala ng mga sermon ni Brother Russell
[Mga larawan sa pahina 562]
Ang “Photo-Drama of Creation” ay nagbigay ng makapangyarihang patotoo sa milyun-milyong mga tao sa maraming lupain
[Larawan sa pahina 563]
Sa pamamagitan ng radyo, si J. F. Rutherford ay nakapagpatotoo sa milyun-milyong tao sa buong daigdig doon mismo sa sarili nilang mga tahanan
[Larawan sa pahina 564]
Nakahandang tumungo sa panggrupong pagpapatotoo na sakay ng bisikleta sa Inglatera
[Larawan sa pahina 565]
Pasimula noong 1933, nakalimbag na mga testimony card ang ginamit
[Larawan sa pahina 566]
Isinaplakang mga pahayag sa Bibliya ang nagbigay ng makapangyarihang patotoo noong mga dekada ng 1930 at 1940
[Larawan sa pahina 567]
Mga kotseng may loudspeaker, marami kung minsan (tulad dito sa Australia), ang ginamit upang ipahayag ang katotohanan ng Bibliya sa pangmadlang mga dako
[Larawan sa pahina 568]
May-ilaw na mga karatula sa mga bintana ng tahanan ng mga Saksi ni Jehova ang nagbigay ng 24-na-oras na pagpapatotoo
[Larawan sa pahina 568]
Nag-aanunsiyong mga plakard at mga karatula ang tumulong para sa isang may tibay-loob na pangmadlang pagpapatotoo (tulad dito sa Scotland)
[Larawan sa pahina 569]
Ang pamamahagi sa lansangan ng “Ang Bantayan” at “Consolation” (gaya ng ipinakikita rito sa E.U.A.) ay nagsimula noong 1940
[Larawan sa pahina 569]
Pasimula noong 1943, ang mga kapatid na lalaki sa mga kongregasyon ay binigyan ng pagsasanay sa pagpapahayag sa madla
[Mga larawan sa pahina 571]
Ang mga pag-aaral sa Bibliya ay idinaraos sa interesadong mga tao. Sa ibaba ay mga publikasyon na tanging inilaan para roon—inilathala muna sa Ingles, pagkatapos ay sa iba’t ibang wika
[Mga larawan sa pahina 572, 573]
Bata at matanda, lalaki at babae, ang mga Saksi sa buong globo ay nakikibahagi sa pagpapatotoo sa bahay-bahay
Romania
Bolivia
Zimbabwe
Hong Kong
Belgium
Uruguay
Fiji