Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Paunang Salita

Paunang Salita

Paunang Salita

BAWAT araw napapaharap ang mga tao sa moral na mga pagpapasiya hinggil sa kalusugan: pagpapalit sa mga sangkap ng katawan, aborsiyon, ang “karapatang mamatay.” Sana ay huwag kayong mapaharap sa mga suliraning ito.

Gayunman, may isang suliranin na humihiling ng atensiyon: Papaano magagamit ang dugo sa pagliligtas ng buhay?

Sa mabuting dahilan, marami ngayon ang nagtatanong, ‘Gaano kaligtas ang pagsasalin ng dugo?’ Ito ay hindi lamang suliraning medikal. Naging laman ito ng mga balita na nagsasangkot sa mga Saksi ni Jehova. Nagtataka ba kayo kung bakit ang mga taong ito na matatayog ang moral, at naniniwala sa wastong panggagamot, ay ayaw tumanggap ng dugo?

Gaya ng makikita ninyo, ang medikal at moral na aspeto ng paggamit ng dugo ay tuwirang nasasangkot sa pagliligtas ng pinakamahalaga ninyong ari-arian: BUHAY.