“Hindi Sila Nagbigay-Pansin”
“Hindi Sila Nagbigay-Pansin”
ANG hindi pagbibigay-pansin sa mga babala ay maaaring magbunga ng kapahamakan.
Sa Darwin, Australia, kasalukuyan silang naghahanda para sa kapistahan noong 1974 nang marinig ang hugong ng sirena bilang babala sa nagbabantang buhawi. Subalit halos 30 taon nang hindi pinipinsala ng buhawi ang Darwin. Bakit naman ngayon pa? Hindi gaanong pinansin ng karamihan sa mga residente ang panganib hanggang sa magsimula na ngang wasakin ng nagngangalit na hangin ang mga bubong at tuklapin ang mga dingding ng mga bahay kung saan nagsisiksikan ang mga tao. Kinabukasan, nagmistulang disyerto ang lunsod.
Sa Colombia, noong Nobyembre 1985, sumabog ang isang bulkan. Nang matunaw ang mga niyebe at yelo, umagos ang putik at tumabon sa mahigit na 20,000 naninirahan sa bayan ng Armero. Wala bang patiunang babala? Ilang buwan nang yumayanig ang bundok. Subalit dahil sanáy na sa paninirahan sa gilid ng bulkan, hindi ito pinansin ng karamihan sa mga taga-Armero. Tumanggap ang mga opisyal ng babala na may nagbabantang sakuna, subalit halos wala silang ginawa upang babalaan ang mga tao. Nagkaroon ng mga patalastas sa radyo sa pagsisikap na mapanatag ang kalooban ng mamamayan. Ginamit ang laud-ispiker ng simbahan upang himukin ang mga tao na manatiling mahinahon. Kinagabihan, nagkaroon ng dalawang kahindik-hindik na pagsabog. Iiwan mo kaya ang iyong mga ari-arian at tatakas? May ilang nagsikap na gumawa nito hanggang sa maging huli na ang lahat.
Karaniwan nang nahuhulaan ng mga heologo kung saan magkakaroon ng lindol. Subalit bihira nilang mahulaan kung kailan ito eksaktong magaganap. Noong 1999, ang mga lindol sa buong daigdig ay kumitil sa buhay ng mga 20,000 katao. Marami sa mga nasawing ito ang nag-akalang hindi ito mangyayari sa kanila kailanman.
Paano Ka Tutugon sa mga Babalang Nagmumula Mismo sa Diyos?
Noon pa man, patiuna nang malinaw na inilarawan sa Bibliya ang mga pangyayaring magiging tanda ng mga huling araw. May kaugnayan dito, hinihimok tayo nito na pag-isipan ang “mga araw ni Noe.” “Noong mga araw na iyon bago ang baha,” ang mga tao ay abala sa karaniwang mga gawain sa buhay, bagaman tiyak na Mateo 24:37-39) Pakikinggan mo kaya noon ang babala? Nakikinig ka ba ngayon?
nababahala rin sila sa paglaganap ng karahasan. Kung tungkol sa babalang ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Noe, “hindi sila nagbigay-pansin hanggang sa dumating ang baha at tinangay silang lahat.” (Ano kaya kung nabuhay ka noon sa Sodoma, malapit sa Dagat na Patay, noong panahon ng lalaking si Lot, pamangkin ni Abraham? Mistulang paraiso noon ang kabukiran. Masagana ang lunsod. Walang álalahanín ang mga tao. Noong panahon ni Lot, “sila ay kumakain, sila ay umiinom, sila ay bumibili, sila ay nagtitinda, sila ay nagtatanim, sila ay nagtatayo.” Ang lipunang kinabubuhayan nila noon ay napakaimoral din. Didibdibin mo kaya ang babala nang magsalita noon si Lot laban sa masasamang gawain? Makikinig ka kaya kung sabihin niya sa iyo noon na nagpasiya na ang Diyos na wasakin ang lunsod ng Sodoma? O mamalasin mo iyon na isang biro, gaya ng pangmalas ng magiging mga manugang sana ni Lot? Posible kayang tumakas ka noon subalit lumingon din, gaya ng ginawa ng asawa ni Lot? Bagaman hindi dinibdib ng iba ang babala, nang araw na lumabas si Lot mula sa Sodoma, “umulan ng apoy at asupre mula sa langit at pinuksa silang lahat.”—Lucas 17:28, 29.
Ang karamihan ngayon sa ating panahon ay hindi nagbibigay-pansin. Subalit ang mga halimbawang ito ay iningatan sa Salita ng Diyos bilang babala sa atin, upang patibayin tayo na PATULOY NA MAGBANTAY!
[Kahon/Larawan sa pahina 22]
Talaga Nga Bang Nagkaroon ng Pangglobong Baha?
Maraming kritiko ang nagsasabing Hindi. Subalit ang Bibliya ay nagsasabing Oo.
Binanggit ito mismo ni Jesu-Kristo, at buháy siya nang ito’y maganap, anupat pinagmamasdan ito mula sa langit.
[Kahon/Larawan sa pahina 23]
Totoo Nga Bang Nawasak ang Sodoma at Gomorra?
Pinatutunayan ng arkeolohiya ang pangyayaring ito.
Binabanggit ito sa sekular na kasaysayan.
Pinatunayan ni Jesu-Kristo ang pangyayari, at tinukoy sa 14 na iba’t ibang aklat ng Bibliya kung ano ang naganap.