Si Jehova—Sino Siya?
Si Jehova—Sino Siya?
HABANG hinahawan niya ang kaniyang dinaraanan sa kagubatan ng Cambodia, nakarating si Henri Mouhot, isang Pranses na manggagalugad noong ika-19 na siglo, sa isang malawak na katubigan na nakapalibot sa isang templo. Iyon ang Angkor Wat, ang pinakamalaking monumento ng relihiyon sa lupa. Isang tingin pa lamang ay alam na ni Mouhot na ang nababalot-ng-lumot na istrakturang ito ay gawa ng mga kamay ng tao. “Palibhasa’y itinayo ng isang sinaunang Michelangelo, ito’y mas maringal pa sa anumang nalabing istraktura ng Gresya o Roma,” isinulat niya. Bagaman ito’y ilang siglo nang napabayaan, natitiyak niyang may nagdisenyo sa masalimuot na istrakturang ito.
Kapansin-pansin, ginamit ng isang aklat ng karunungan na isinulat ilang siglo na ang nakalilipas ang gayunding pangangatuwiran, na nagsasabing: “Sabihin pa, bawat bahay ay may nagtayo, ngunit siya na nagtayo ng lahat ng bagay ay ang Diyos.” (Hebreo 3:4) Ngunit maaaring sabihin ng ilan, ‘Ang kalakaran ng kalikasan ay iba sa gawa ng tao.’ Gayunman, hindi lahat ng siyentipiko ay sang-ayon sa pagsalungat na iyan.
Matapos aminin na “ang mga sistemang biyokemikal ay hindi mga bagay na walang buhay,” nagtanong si Michael Behe, katulong na propesor sa biochemistry sa Lehigh University, Pennsylvania, E.U.A.: “Maaari bang may-katalinuhang idisenyo ang nabubuhay na mga sistemang biyokemikal?” Nagpatuloy siya sa pagpapakita na sa ngayon ay nagdidisenyo na ang mga siyentipiko ng mga saligang pagbabago sa nabubuhay na mga organismo sa pamamagitan ng mga pamamaraang gaya ng henetikong inhinyeriya. Oo, kapuwa ang may-buhay at walang-buhay na mga bagay ay maaaring “gawin”! Sa pagsasaliksik sa napakaliit na daigdig
ng nabubuhay na mga selula, tinalakay ni Behe ang kamangha-mangha at masasalimuot na sistema na binubuo ng mga sangkap na umaasa sa isa’t isa upang gumana. Ang kaniyang konklusyon? “Ang resulta ng sama-samang pagsisikap na ito upang suriin ang selula—suriin ang buhay sa kalagayan nito bilang molekula—ay isang malakas, maliwanag, nakabibinging sigaw na ‘disenyo!’”Sino kung gayon ang Disenyador na nasa likod ng lahat ng masalimuot na mga sistemang ito?
Sino ang Disenyador?
Ang kasagutan ay makikita sa sinaunang aklat na iyon ng karunungan na binanggit natin kanina—ang Bibliya. Sa pambungad na pananalita nito, sinasagot ng Bibliya sa napakapayak at napakaliwanag na paraan ang tanong na kung sino ang nagdisenyo ng lahat ng bagay: “Nang pasimula ay nilalang ng Diyos ang langit at ang lupa.”—Genesis 1:1.
Gayunman, upang ipakita ang pagkakaiba niya mula sa iba na tinatawag na Diyos, ipinakilala ng Maylalang ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng isang pambihirang pangalan: “Ito ang sinabi ng tunay na Diyos, si Jehova, ang Maylalang ng langit . . . , ang Isa na naglalatag ng lupa at ng bunga nito, ang Isa na nagbibigay ng hininga sa mga taong naroroon.” (Isaias 42:5, 8) Jehova ang pangalan ng Diyos na nagdisenyo ng sansinukob at gumawa ng lalaki at babae sa lupa. Datapwat sino si Jehova? Anong uri siya ng Diyos? At bakit dapat kang makinig sa kaniya?
Ang Kahalagahan ng Kaniyang Pangalan
Una sa lahat, ano ang kahulugan ng pangalan ng Maylalang na Jehova? Ang banal na pangalan ay isinulat sa apat na titik na Hebreo (יהוה) at lumilitaw nang halos 7,000 ulit sa Hebreong bahagi ng Bibliya. Kinikilala na ang pangalang ito ay nasa anyo ng Hebreong pandiwang ha·wahʹ (“maging”) anupat ito’y nangangahulugang “Pinapangyayari Niyang Maging.” Sa ibang salita, buong-katalinuhang pinapangyayari ni Jehova na magbago ang kaniyang sarili ayon sa pangangailangan niya upang matupad ang kaniyang mga layunin. Siya ay nagiging Maylalang, Hukom, Tagapagligtas,
Tagapagsustine ng buhay, at iba pa, upang maisakatuparan niya ang kaniyang mga pangako. Bukod diyan, ang Hebreong pandiwa sa balarila ay nagpapakita ng isang pagkilos habang ito ay natutupad. Ito’y nagpapakita na patuloy pa ring pinapangyayari ni Jehova ang kaniyang sarili na maging tagatupad ng kaniyang mga pangako. Oo, siya’y isang buháy na Diyos!Ang Nangingibabaw na mga Katangian ni Jehova
Ipinakikita ng Bibliya na ang Maylalang na ito at tagatupad ng kaniyang mga pangako ay isang lubhang kaakit-akit na persona. Si Jehova mismo ang naghayag ng kaniyang namumukod-tanging mga katangian at nagsabi: “Si Jehova, si Jehova, isang Diyos na maawain at magandang-loob, mabagal sa pagkagalit at sagana sa maibiging-kabaitan at katotohanan, nag-iingat ng maibiging-kabaitan sa libu-libo, nagpapaumanhin sa kamalian at pagsalansang at kasalanan.” (Exodo 34:6, 7) Si Jehova ay inilalarawan bilang isang Diyos ng maibiging-kabaitan. Ang Hebreong salitang ginamit dito ay maaari ring isaling “tapat na pag-ibig.” Sa pagsasakatuparan ng kaniyang walang-hanggang layunin, si Jehova ay patuloy na nagpapakita ng tapat na pag-ibig sa kaniyang mga nilalang. Hindi mo ba pahahalagahan ang gayong pag-ibig?
Si Jehova ay mabagal din sa pagkagalit at mabilis sa pagpapatawad sa ating mga pagkakamali. Nakalulugod na mapalapit sa isang persona na hindi mapaghanap ng kamalian kundi laging handang magpatawad sa atin. Gayunman, hindi ito nangangahulugan na kinukunsinti ni Jehova ang masamang gawa. Ipinahayag niya: “Ako, si Jehova, ay umiibig sa katarungan, napopoot sa pagnanakaw at sa kalikuan.” (Isaias 61:8) Bilang Diyos ng katarungan, hindi niya hinahayaan magpakailanman ang mga pangahas na makasalanan na nagpapatuloy sa kanilang kabalakyutan. Kaya nga, makatitiyak tayo na sa kaniyang takdang panahon, itutuwid ni Jehova ang kawalan ng katarungan sa daigdig na kinabubuhayan natin.
Upang mapanatili ang ganap na panimbang sa pagitan ng mga katangian ng pag-ibig at katarungan, kailangan ang karunungan. Tinitimbang Roma 11:33-36) Sabihin pa, ang kaniyang karunungan ay makikita saanman. Pinatutunayan ito ng mga kababalaghan ng kalikasan.—Awit 104:24; Kawikaan 3:19.
ni Jehova ang dalawang katangiang ito sa kamangha-manghang paraan kapag siya’y nakikitungo sa atin. (Gayunman, hindi sapat ang pagtataglay ng karunungan. Upang lubusang maganap ang naiisip niya, dapat na taglay rin ng Maylalang ang lubos na kapangyarihan. Siya ay ipinakikita ng Bibliya bilang gayong Diyos: “Itingin ninyo ang inyong mga mata sa itaas at masdan. Sino ang lumalang ng mga bagay na ito? Iyon ang Isa na naglalabas sa hukbo nila ayon sa bilang . . . Dahil sa kasaganaan ng dinamikong lakas, . . . walang isa man sa kanila ang nawawala.” (Isaias 40:26) Tunay, taglay ni Jehova ang “kasaganaan ng dinamikong lakas” anupat naisasakatuparan niya ang kaniyang kalooban. Hindi ka ba naaakit kay Jehova dahil sa mga katangiang iyan?
Mga Pakinabang sa Pagkakilala kay Jehova
“Hindi niya [ni Jehova] nilalang [ang lupa] na walang kabuluhan” kundi ‘inanyuan ito upang tahanan’ ng mga tao na may mabuting kaugnayan sa kaniya. (Isaias 45:18; Genesis 1:28) Nagmamalasakit siya sa kaniyang makalupang mga nilalang. Binigyan niya ang sangkatauhan ng isang sakdal na pasimula sa isang tulad-halamanang tahanan, isang paraiso. Sinisira naman ito ng mga tao sa ganang sarili, na siyang ipinaghihinanakit ni Jehova. Ngunit, ayon sa kahulugan ng kaniyang pangalan, lubusang isasakatuparan ni Jehova ang kaniyang orihinal na layunin para sa mga tao at sa lupa. (Awit 115:16; Apocalipsis 11:18) Kaniyang ibabalik ang Paraiso sa lupa para sa mga handang sumunod sa kaniya bilang kaniyang mga anak.—Kawikaan 8:17; Mateo 5:5.
Inilalarawan ng huling aklat ng Bibliya ang uri ng buhay na tatamasahin ninyo sa Paraisong iyon: “Papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man. Ang mga dating bagay ay lumipas na.” Apocalipsis 21:3, 4) Ito ang tunay na buhay na nais ni Jehova na tamasahin ninyo. Tunay na napakabait niyang Ama! Nais mo bang matuto pa nang higit tungkol sa kaniya at sa kaniyang kahilingan sa iyo upang mabuhay sa Paraiso?
(Malibang ipinahiwatig, lahat ng pagsipi sa Bibliya ay mula sa Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.