Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ang Lupa’y Pinagpapala ng Makalangit na Hari

Ang Lupa’y Pinagpapala ng Makalangit na Hari

Ang Lupa’y Pinagpapala ng Makalangit na Hari

41 Ginawa ni Jehova si Jesus na Hari sa langit.—Isaias 9:6; Daniel 7:13, 14; Gawa 2:32-36

42 Maghahari siya sa buong lupa.—Daniel 7:14; Mateo 28:18

43 Natatandaan mo ba kung ano ang mangyayari sa masasama?—Awit 37:9, 10; Lucas 13:5

44 Natatandaan mo ba ang pangalan ng unang anghel na nagkasala? Siya at ang iba pang masasamang anghel ay aalisin ni Jesus. Lilipulin ang kanilang mga idolo at imahen.—Hebreo 2:14; Apocalipsis 20:2, 10

45 Gagawa si Jesus ng maraming kabutihan para sa mga masunurin.—Hebreo 5:9

46 Wala nang magkakasakit.—Isaias 33:24; Apocalipsis 22:1, 2

Natatandaan mo ba kung paano pinagaling ni Jesus ang mga maysakit?

47 Lahat ay magkakaroon ng mabubuting bagay.—Isaias 65:17, 21-23

48 Naaalaala ng Diyos pati mga taong namatay na. Sa pamamagitan ni Jesus ay kaniyang bubuhayin sila. Ito ang pagkabuhay mag-uli.—Juan 5:28, 29; 11:25

49 Pagka lipól na ang lahat ng masasama, wala nang mamamatay. Kahit ang maiilap na hayop ay babait na. Lahat ay liligaya magpakailanman.—Apocalipsis 21:4; Isaias 65:25; Awit 37:11, 29