Ano ang Dapat Mong Gawin?
Ano ang Dapat Mong Gawin?
50 Ibig mo bang mabuhay magpakailanman sa magandang paraisong iyan?
Alamin mo pa ang sinasabi ng Diyos. Sikapin mong matutuhan na basahin ang Bibliya.—Juan 17:3; Apocalipsis 1:3
51 Alamin mo pa ang tungkol kay Jesus.—Deuteronomio 18:18, 19; Juan 3:16; Gawa 3:19-23
52 Pulos kabutihan ang gawin mo at sundin mo si Jehova.—Roma 6:17, 18, 22
53 Tandaan, sinabi ni Jehova na huwag tayong papatay ng tao.—54 Huwag nating kukunin ang pag-aari ng iba.—Exodo 20:15; Efeso 4:28
55 Ang isang lalaki ay di-dapat makipamahay o kasiping na makitulog sa isang babae kung hindi niya ito asawa.—Exodo 20:14, 17; 1 Tesalonica 4:3
56 Alam mo ba kung ilang asawa ang ipinahintulot ng Diyos sa isang lalaki? Gaanong katagal dapat makipisan ang lalaki sa kaniyang asawa?—Genesis 2:22, 24; Mateo 19:5, 6; 1 Corinto 7:2, 10, 11
57 Tandaan din na si Jehova lang ang kailangang sambahin natin.—58 Hindi tayo matutulungan ng mga idolo at imahen. Bakit?—1 Corinto 8:4
Mabuti ba na magkaroon ng mga idolo?—Deuteronomio 27:15; 1 Juan 5:21
59 Bakit masama na mag-ingat ng mga galing at gumamit ng anting-anting?—Deuteronomio 18:10-13; Apocalipsis 21:8
60 Ang masasamang anghel o mga demonyo ay lumaban sa Diyos. Mga manghuhula ng suwerte ang ginagamit nila para iligaw tayo.—Gawa 16:16
61 Manalangin tayo sa Diyos. Ito’y pakikipag-usap sa Diyos, sabihin sa kaniya na gusto nating maglingkod sa kaniya at tulungan sana niya tayo.—62 Sundin natin si Jesus at sumampalataya tayo sa kaniya.—Hebreo 5:9; Juan 3:16
63 Tandaan na siya’y namatay upang iligtas tayo.—Roma 5:8
Filipos 2:9-11; Apocalipsis 19:16
64 Tandaan na si Jesus ang ating Hari na di-nakikita. Sundin natin siya.— 65 Sinabi ni Jesus na ibalita mo sa iba ang kabutihang natutuhan mo at yaong mga ibig maglingkod sa Diyos ay dapat mabautismuhan.—66 Kaya maibabalita mo sa iyong mga kaibigan ang mabuting bagay na ito.—Mateo 10:32
67 Kung mahusay kang bumasa, marami ka pang matututuhan at lalong matutulungan mo ang iba.—2 Timoteo 2:15
68 Ang mga bata ay tinuruan din ni Jesus na sumunod sa Diyos. Laging may panahon siya para sa kanila.—69 Turuang lagi ng mga magulang ang kanilang mga anak na sumunod at umibig sa Diyos.—Deuteronomio 6:6, 7; Kawikaan 6:20-22; Efeso 6:4
70 Maraming iba’t ibang relihiyon. Marami sa kanilang turo ang wala sa Bibliya. Sinasabi sa atin ni Jehova na umalis tayo sa relihiyon na hindi nagtuturo ng katotohanan.—Apocalipsis 18:4; Juan 4:23, 24
71 May mga tao si Jehova sa lupa na makapagtuturo sa iyo ng higit pa tungkol sa kaniya. Alam mo ba kung sino sila?—72 Sila ang mga Saksi ni Jehova. May kapayapaan sa gitna nila. Alam mo ba kung bakit? Dahil sa nag-iibigan sila.—Isaias 43:10-12; Juan 13:34, 35
73 Dahil sa mahal din nila si Jehova, sila’y nagpabautismo. Ganito nila ipinakikita na iniwan na nila ang dating pamumuhay at ibig nilang laging maglingkod sa Diyos.—Gawa 2:41
74 Inaasahan ng mga Saksi ni Jehova na mabubuhay sila sa magandang bagong paraiso.—Ano ang magagawa mo upang mabuhay doon kasama nila?—Santiago 1:22, 25; 2:20-26
75 Sumama ka sa kanila upang matutong maglingkod kay Jehova. Sila’y umiibig at sumusunod kay Jehova at kay Kristo Jesus. Iniibig mo ba sila? Nais mo bang tulungan ang iba na makaalam ng tungkol sa Diyos?—Juan 6:45-47
76 Iniibig ka ni Jehova at ni Kristo Jesus at nais nilang mabuhay ka magpakailanman sa paraiso.—Dahil sa natutuhan mo buhat sa mga larawan at nilalaman ng pulyetong ito ay tiyak na naghahangad kang mabuhay sa lupa magpakailanman. Kung nais mo ng higit pang kaalaman, mabuti’y makipag-usap ka sa isa sa mga Saksi ni Jehova na malapit sa inyong pook. O, sumulat ka, o magpasulat ka, sa upisinang pinakamalapit sa kinatitirhan mo, na may mga direksiyong nakatala sa pahina dos ng pulyetong ito.