Bakit Namamatay ang Tao?
Bakit Namamatay ang Tao?
8 Ibig ng Diyos na Jehova na ang buong lupa’y pagandahin ng tao—gawing paraiso para tamasahin ng lahat ang buhay doon.—Genesis 1:28
Ang mga tao ay nabuhay sana magpakailanman, kung si Adan at si Eva ay sumunod kay Jehova. Sila’y sinabihan na huwag kakain ng bunga ng kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama.—Genesis 2:15-17
9 Isang anghel ang naging masama at ginamit ang isang ahas upang hikayatin si Eva at si Adan na sumuway sa Diyos.—Genesis 3:1-6
10 Nang magkagayon, ang anghel na dumaya kay Eva ay tinawag na ‘ang matandang ahas, Diyablo at Satanas.’—Apocalipsis 12:9
11 Ang sumuway na mag-asawa ay pinalabas ni Jehova sa paraiso.—12 Nagkaanak si Adan at si Eva, ngunit hindi masaya ang buong pamilya.—Genesis 3:17, 18
13 Sila’y tumanda at namatay, gaya ng sinabi ni Jehova.—Genesis 3:19; Roma 5:12
14 Kaya’t sila’y namatay na gaya niyaong mga hayop.
Lahat ng kaluluwa sa lupa ay namatay.—Eclesiastes 3:18-20; Ezekiel 18:4