Kung Paano Tayo Naliligtas sa Kasalanan at Kamatayan
Kung Paano Tayo Naliligtas sa Kasalanan at Kamatayan
35 Natatandaan mo ba na si Adan, na unang tao, ay nagkasala? Naiwala niya ang buhay at ang paraiso, at lahat tayo ay namamatay din, dahil sa tayo’y mga anak niya.—Roma 5:12; 3:23
36 Maisasauli ang sakdal na buhay na ito, kung isang taong sakdal ang magbibigay ng buhay niya para sa atin, o tutubos sa atin sa kamatayan.—1 Corinto 15:45; Roma 5:19, 21
37 Si Jesus ay Anak ng Diyos. Siya’y taong sakdal, hindi nagkasala.—Hebreo 5:9; 7:26
38 Hinayaan niyang patayin siya ng mga taong hindi nagmamahal sa Diyos.—Gawa 2:23
Ito’y paghahain niya ng kaniyang sarili para sa atin.—1 Timoteo 2:6
39 Si Jesus ay inilibing sa isang yungib o nitso. Siya’y patay nang tatlong araw, at saka siya binuhay ng Diyos.—40 Bumalik siya sa langit. Mahihiling na niya sa Diyos na tulungan ang mga masunurin sa Diyos.—Hebreo 9:24; 1 Juan 2:1, 2