Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Lilipulin Ba Uli ng Diyos ang Masasama?

Lilipulin Ba Uli ng Diyos ang Masasama?

Lilipulin Ba Uli ng Diyos ang Masasama?

22 Napakasama rin ang mga tao ngayon. Ano ba ang mga kasamaang iyan?

23 Ang iba’y pumapatay ng kapuwa-tao. Ibinabawal ito ng Diyos.—Exodo 20:13; 1 Juan 3:11, 12

24 Ang iba’y nagnanakaw. Ibinabawal ng Diyos ang pagnanakaw.—Exodo 20:15; Efeso 4:28

25 May mga lalaking maraming asawa. Ang iba’y may kinakasamang dalawa o higit pa sa bukud-bukod na tahanan. At mayroon ding nagsasama na lang nang di-kasal. Lahat na ito’y laban sa sinasabi ng Bibliya.—Mateo 19:4-6; 1 Corinto 7:1-4; 1 Timoteo 3:1, 2

26 Natatandaan mo ba na iisang asawa ang ibinigay ng Diyos kay Adan?—Genesis 2:22, 24

27 Ang iba’y sumasamba sa idolo. Ibinabawal ng Diyos ang paggamit ng mga idolo o imahen sa pagsamba.—Exodo 20:4, 5; Isaias 44:9-17; 1 Juan 5:21

28 Lilipulin ni Jehova ang masasama na ayaw magbago.—Awit 37:9, 10; Lucas 13:5; 1 Corinto 6:9, 10