Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Sino ang Lumalang sa Iyo?

Sino ang Lumalang sa Iyo?

Sino ang Lumalang sa Iyo?

1 Nilalang ng Diyos ang langit at ang lupa.—Genesis 1:1

2 Ang Diyos ay may pangalan. Ang pangalan niya ay Jehova.—Awit 83:18

Si Jehova ay sa langit nakatira. Siya ay espiritu. Hindi mo siya makikita.—Isaias 66:1; Juan 1:18; 4:24

3 Ang Diyos na Jehova ay gumawa ng maraming anghel sa langit. Sila’y mga espiritu rin. Sila’y mabubuti. Noong una kung minsan ay nag-aanyong tao sila upang makita sila ng mga tao.—Hebreo 1:7

4 Matagal nang ginawa ni Jehova ang mga hayop, bago niya ginawa ang tao.—Genesis 1:25

5 Gumawa rin si Jehova ng isang lalaking Adan ang pangalan pati asawa niya na Eva ang pangalan.—Genesis 1:27

Sila’y inilagay ni Jehova sa magandang halamanan, o paraiso. Isa lamang asawa ang ginawa niya para kay Adan. Ang lalaki ay makikipisan sa iisang asawa niya.—Genesis 2:8, 21, 22, 24

6 Ang tao ay isang kaluluwa.—Genesis 2:7

7 Ang mga hayop ay mga kaluluwa.—Genesis 1:24