Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ang Ating Pagkakaisang Kristiyano

Ang Ating Pagkakaisang Kristiyano

Awit 158

Ang Ating Pagkakaisang Kristiyano

(Efeso 4:13)

1. Sinong kagaya ni Jehova,

Bukal ng pagkakaisa!

Anak naghandog ng kanyang buhay,

Katotohana’y turo niya.

Si Kristo ang siyang saligan

Ng ating pagkakaisa.

Upang buklurin bilang sambahayan

Ang masunurin sa kanya.

2. Ano nga ang ating tungkulin,

Tayong kaisa ni Jesus?

Pagkaisahin, isip at asal,

Sundi’y kalooban ng Diyos.

Dulot ng laman ay hapis,

Espiritung bunga’y lugod.

Pagbibigay kaligayaha’y dulot,

Kung sa Diyos tayo’y susunod.

3. Masdan ang teokratikong ayos,

Patnubay at pananggalang.

Hinuhubog sa katotohanan,

Ang buhay at kaasalan.

Ano’ng kahilingan ng Diyos?

Anong mga katangian?

Kagandahang loob at katarungan,

Lumakad sa kahinhinan.