Ang Ating Paraiso: Ngayon at sa Hinaharap
Awit 220
Ang Ating Paraiso: Ngayon at sa Hinaharap
1. Salamat po, Diyos na Jehova,
Sa aming paraiso,
Sa panalangi’t mga pulong
Kami ay natututo.
Pagpapala sa amin
May kasaganaan,
At sa paglilingkuran
May kagalakan!
Pag-ibig sa iyo at sa kapwa
Ay matibay na buklod.
Sa gawain ay pang-alalay,
Nang kami’y di matisod!
2. Kaharian ng katarungan
Kay Jesus ibinigay.
Nang iluklok mo siya sa kanan,
Ang lahat tinataglay.
Pinupuri ka namin
Pagka’t umuunlad
Ang banal mong layunin
Na natutupad.
Nawa’y paggawi’y nararapat
Sa mabuting balita,
Upang wala nang matitisod
Sa mga tulad tupa!
3. Pagkaraan ng Armahedon,
Kay Jehovang tagumpay,
Kapwa ang Diyablo at demonyo
Ihahagis sa hukay.
Mga lingkod no’ng una
Ay muling babangon,
Upang sa Paraiso
Ay makatulong.
Ang kasakdala’y aabutin
Dahil sa iyong pantubos;
Dito sa lupa, kagalakan
Ay makakamtang lubos.