Ang Banal na Huwaran ng Pag-ibig
Awit 89
Ang Banal na Huwaran ng Pag-ibig
1. Si Jehovang Diyos may katalinuhang
Naglaan,
Sa tanan,
Huwarang banal, upang patnubayan,
Nang di mabuwal,
Nang di mabuwal.
Sakdal na daan na iniingatan,
Tayo ay kanyang inaanyayahan,
Na kailanma’y di hihiwalayan,
Ay pag-ibig;
Diyos ay pag-ibig.
2. Pag-ibig natin sa ’ting kapatiran
Ay tunay,
Dalisay,
Handang tumulong sa may kailangan,
Kahit saan,
Kahit kailan.
Ipakita ang tunay na pag-ibig,
Tulungan silang hindi matigatig,
Baka ang iba’y mawalang sigasig,
Iyo’y pag-ibig,
Sa ’ting kapatid.
3. Diyos ay pag-ibig. Ang organisasyon
Niya’y lagi,
Palagi,
Sa karangala’y muling magbabangon,
Magpupuri,
Magpupuri.
Kaya’t ihayag ang kanyang pangalan,
Ang ibang tupa ay ating tulungan.
Upang makita ang katotohanan,
Iyo’y pag-ibig;
Tunay, dalisay.