Ang Banal na Kagalakan Natin
Awit 186
Ang Banal na Kagalakan Natin
1. Kailangan ang kagalakan
Sa paninindigan.
Ang pananampalataya’y
Siyang pinagmumulan.
Kagalaka’y di kukupas;
Laging tataglayin.
Utos ng Diyos ay “Magalak!”
Atin ngang susundin.
2. Kagalaka’y nagbubuhat
Sa Diyos at kay Jesus;
Tayo’y saksi sa kanila;
Karangalang lubos.
Ating batid balang araw
Lahat magpupuri,
Kahit yaong nasa Hades,
Babango’t sasaksi.
3. Kagalakan ay sisidhi
Sa paglilingkuran,
Mahalay dapat iwaksi,
Ang puso’y ingatan.
Laging gising sa pagpuri
Sa Diyos araw-araw,
Isipin ang pampatibay,
Upang huwag maligaw.
4. Kahit makipot ang daan
Na nilalakaran,
Ang tunay na kagalakan
Ang siyang kagantihan.
Tandang tayo’y lingkod ng Diyos,
Taglay kanyang ngalan.
Upang galak ay umapaw,
Iba’y bahaginan.