Ang Bunga ng Espiritu
Awit 163
Ang Bunga ng Espiritu
1. Bunga ng espiritu ng Diyos
Marapat nating taglayin,
Upang siya’y dulutan ng puri,
At buhay ating tamuhin.
Kaya’t lagi nang magpakita
Ng pag-ibig na dalisay,
At mangagalak nga sa tuwina,
Kagalaka’y pampatibay.
2. Kapayapaa’y pagyamanin
Nang sumulong, magkaisa.
Pagkamatiisi’y kailangan,
Lakip na ang pagtitiyaga.
O kay inam ng kabaitan!
Ang tao’y nahahalina.
May bisa din ang kabutihan,
Sa gawai’y pampasigla.
3. Kung may pananampalataya,
Buhay nati’y may layunin.
At kung mayro’ng kahinahunan,
Walang alitan at igting.
Ang pagpipigil-sa-sarili,
Kailangan ding pagyamanin.
Mga bungang mapapasulong,
Lagi nga nating linangin.