Ang Dakila at Kamangha-manghang mga Gawa ng Diyos
Awit 84
Ang Dakila at Kamangha-manghang mga Gawa ng Diyos
1. Jehovang Diyos, Kataas-taasan,
Gawa mo’y kadakilaan!
Lupa, bitwin, araw at buwan,
May badya ng karilagan.
2. Daan mo’y tunay at matwid,
Hukom, Haring walang hanggan!
Sangnilalang nagpupuri.
Lahat sa iyo’y aming utang.
3. Sinong di magpaparangal,
Dadakila sa iyong ngalan?
May Katapatan at Banal,
Kataas-taasa’t walang hanggan.
4. Utos mo’y tunay, dakila!
Nagbabadya ng katwiran!
Lalapit ang mga bansa,
Sasamba sa iyong pangalan.