Ang Dako ng Kabataan sa Kaayusan ng Diyos
Awit 183
Ang Dako ng Kabataan sa Kaayusan ng Diyos
1. Sa kaayusan ng Diyos lahat may dako.
Bata’t matanda’y inaanyayahan.
Kamangha-mangha, tugon ng kabataan,
Sa pagbabalita ng Kaharian.
Ang patotoo nila’y napakabisa!
Mga mabait, masinop at handa!
Kung naglilingkod may lingap si Jehova;
Puso ng maygulang pinasasaya.
2. Ang kabataang kilala si Jehova,
Kay ganda at kay saya nang ganoon!
Gunigunihin n’yo ang kinabukasan
—Paraiso sa panghabang panahon!
Pansamantala’y lipos ng kagipitan
Sa sanlibutang malapit magwakas.
B’ong lakas natin itong paglalabanan;
At ang katapatan ay ipamalas.
3. Sa mga saksi maraming kaibigan.
Bakit pa babaling sa sanlibutan?
Itaguyod ang nakapagpapatibay,
Na sa Salita ng Diyos nasumpungan.
Kung may suliranin, kapatid lapitan,
Madali silang mapagsanggunian.
Nguni’t Diyos pa rin ang tunay na Kaibigan;
Siya’y maawai’t mapaghihingahan.
4. Tayo’y miyembro ng Kristiyanong kongregasyon,
Kung saan si Kristo ang tumutustos.
Sa pagtatapat siya’y dapat na panigan;
At ang payo niya ay pakinggang lubos.
Sa sanlibutan huwag tayong magpahubog;
At sa Salita isipa’y linisin.
Sama-sama magtapat, matanda’t bata;
Papurihan siya at buhay kakamtin.