Ang Hindi Masayod na “Kapayapaan ng Diyos”
Awit 178
Ang Hindi Masayod na “Kapayapaan ng Diyos”
1. Di natin matalos,
Kapayapaan ng Diyos,
Agam-agam, kaigtingan,
Napaparam nang lubos.
Puso at isipan,
Sa Diyos ay nananahan,
Siyang patnubay at alalay
—Panig sa Kaharian.
2. Mga kaigtingan,
Hirap dulot sa tanan.
Palasak ang kalituhan,
Bunga ay kapaitan.
Tayo ay di ganyan,
Diyos di kalilimutan.
Siya’y magiliw, walang maliw,
Huwag magulumihanan.
3. Manalig sa ’ting Diyos.
Sa ati’y tumutustos.
Walang daya, may biyaya,
Patnubay niya ay lubos.
Kapayapaan niya
Ay hamog ang kapara.
Pagpapala, sasagana,
Tunay na gantimpala.