Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ang Kagalakan sa Pagkabuhay-muli

Ang Kagalakan sa Pagkabuhay-muli

Awit 102

Ang Kagalakan sa Pagkabuhay-muli

(Apocalipsis 20:13)

1. Nahimlay si Lazaro

D’on sa libingan.

Kapatid nanangis!

Di matulungan.

Kung si Kristo sana’y

Naroon lamang,

Pintuan ng Hades

Di napasukan.

Sa puntod si Kristo

Ay nanawagan:

‘Lazaro, bumangon

Sa iyong libingan!’

Kaagad ay bumangon

Sa pagkahiga.

Mga kaibiga’y

Kay laki ng tuwa!

2. Y’ong umasa kay Jesus,

Paglaya’y hintay;

Sila’y nasiphayo

Nang siya’y mamatay.

Mga kaibigan,

Sa kanyang puntod,

Luha’t kalungkutan

Ay di masayod!

Pintuan ng Hades

Di nagtagumpay.

Sa ikatlong araw

Siya ay binuhay.

Alagad niya’y natuwa

Nang siya’y makita.

Ang susi ng Hades

Naging sa kanya.

3. Kamatayan ang dulot,

Sala ni Adan;

Si Kristo’ng pumawi

Sa kamatayan.

Ang patay sa Hades

Na nahihimlay,

Sa tinig ni Kristo,

Ay mabubuhay.

Sa harap ng trono

Ay hahatulan,

Batay sa gawaing

Pangkaharian.

Sa aklat ay nasulat

Kanilang ngalan,

At sa bagong lupa,

May kagalakan.