Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ang Kaiga-igayang Dako ng Pagsamba kay Jehova

Ang Kaiga-igayang Dako ng Pagsamba kay Jehova

Awit 93

Ang Kaiga-igayang Dako ng Pagsamba kay Jehova

(Awit 84:1)

1. Anong ganda ng iyong templo,

Lingkod mo’y may kanyang dako!

Puso ito’y inaasam,

Doon ika’y papurihan,

Doon ika’y papurihan.

2. Jehova, paglapit namin

Upang kami’y palakasin,

Katotohana’t pag-ibig,

Nang di kami matigatig,

Nang di kami matigatig.

3. Isang araw sa looban,

Libong higit kahit saan.

Nais ko’y do’n masumpungan,

Kaysa ibang kasamahan,

Kaysa ibang kasamahan.

4. Diyos ay araw at kanlungan

Sa lahat ng may katwiran.

Sa kawan siya ay mabait,

Buti’y di ipagkakait,

Buti’y di ipagkakait.