Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ang Kaloob na Panalangin

Ang Kaloob na Panalangin

Awit 188

Ang Kaloob na Panalangin

(1 Timoteo 2:8)

1. Ang Diyos ay nakikinig

Sa dalangin ng matwid.

Tanging kay Kristo Jesus,

Makalalapit sa Diyos.

2. Ang dalanging diringgin,

Dapat laging taimtim.

Ating puso’y bubuksan

At Diyos ang igagalang.

3. Sa ating pagdalangin,

Sarili ay sanayin.

Huwag itong sauluhin;

Lagyan mo ng damdamin.

4. Manalanging madalas

Sa pagtahak sa landas.

Tunay na umaaliw;

Kaloob na magiliw.