Ang Kapangyarihan ng Kabaitan
Awit 66
Ang Kapangyarihan ng Kabaitan
(Roma 2:4)
1. Pasalamat tayo sa Diyos,
Na nagpapakita
Sa taong hamak, awa niya,
Ating nadadama.
Bagama’t siya ay dakila,
Tayo’y kanyang alaala.
Tayo’y lumalapit sa Diyos,
May sampalataya.
2. Sa pagtuturo ni Jesus,
Siya’y laging maamo.
Siya’y mahinahon sa mga
Taong di palalo.
Ang turo niyang malumanay,
Dulot ginhawang totoo.
Makasalana’y bumaling
Sa Diyos nang b’ong puso.
3. Ang bunga ng kabaitan
Dapat na taglayin.
Tumulad kay Jesus, sa Diyos,
Pagpapala’y kamtin.
Kung sulirani’y kaharap,
Kalutasa’y ang pagiging
Maamo’t magandang loob,
Na siyang taglay natin.
4. Anong buti kung tayo nga
Ay magpahalaga
Na kabaita’y may lakas,
Tunay, walang hangga!
Tumatanggap pinagpala,
Nagbibigay ay lalo na.
Dulot nati’y puri sa Diyos
Kung mabait tuwina.