Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ang Katotohanan na Nagpapalaya sa Tao

Ang Katotohanan na Nagpapalaya sa Tao

Awit 121

Ang Katotohanan na Nagpapalaya sa Tao

(Juan 8:32)

1. Batas Mosaiko at mga hula noon pa man

Nagturo ng katotohanang atin nang alam.

Ito ay tungkol sa Binhi, na si Jesu-Kristo;

—Sa kanya ang tunay na buhay ay matatamo.

2. Ani Jesus: ‘Ako’y daan at katotohanan.’

Sala ng tao’y tinakpan, dugo’y kabayaran,

Nang ipagbangong-puri ang ngalan ni Jehova.

At sa wakas ang kaaway ay lilipulin niya.

3. Katotohana’y sa Anak ng Diyos nakakamtan.

Kasalana’y magwawakas magpakailan pa man.

Siya’y Binhing Ipinangako, sa Diyos magtatanghal.

Siya’y Hari at Saserdote; ating ipangaral.

4. Ihayag ang katotohanan tungkol sa Anak.

Balita ng kapayapaa’y ating panyapak.

Kaharian ng Diyos ang siyang dapat itaguyod.

Ihayag natin at buong kalul’wang maglingkod.