Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ang Liwanag ay Lalong Nagniningning

Ang Liwanag ay Lalong Nagniningning

Awit 111

Ang Liwanag ay Lalong Nagniningning

(Kawikaan 4:18)

1. Liwanag niya, tumitindi ang sinag,

Higit na liliwanag sa kaarawan.

Inihayag ng Diyos, katotohanan;

Tayo ay tinatawagan: ‘Inyong pakinggan.’

Tayo ay naging malaya

Sa Babilonyang Dakila.

Araw ni Jah

ay sumapit na.

Kumikislap, tulad bukang-liwayway,

Sa matwid pinasisikat ang kanyang liwanag,

Diyos ay liwanag.

2. Lumiliwanag ang matwid na daan,

Ang Diyos pinagbuhatan; siya’y mapagmahal.

Inihayag niya ang kaunawaan;

Hinuhubog niya ang bayan; turo niya’y banal.

Dahil sa di kasakdalan,

Kung minsa’y may pagkukulang;

Turo niya ay

Dumadalisay.

Liwanag ang dulot ng Diyos sa tuwina.

Liwanag kanyang pinasisikat nang maningning,

Napakaningning.

3. Nagniningning landas na lalakaran,

Tulad katanghalian, tirik ang araw.

Diyos ay tanglaw, laa’y kaliwanagan;

Landas natin ay hinawan, huwag nang mamanglaw.

Huwag nang mag-aalinlangan,

Hula niya’y may katuparan.

At ang daan

Huwag hiwalayan.

Kumikislap at lalong liliwanag.

Ang matwid nagagalak sa ningning ng liwanag,

Kanyang liwanag.