Ang Makalangit na Trono ni Jehova
Awit 219
Ang Makalangit na Trono ni Jehova
1. O Jehova, Diyos na totoo.
Maluwalhati’t marilag, luklukan mo.
Palibot mo ay nagniningning.
Diyos ng katiwasayan, payapa din.
2. Dal’wampu’t apat na matanda,
Hari at saserdote. O kay ganda!
Apat na nilalang nagtanghal:
Sa katangian mo ay nagparangal.
3. Buhat sa iyo kulog at kidlat.
Tinig mo ay diringgin naming lahat.
Kalinisan mo’y tulad kristal.
Linisin sana kami, maging banal.
4. Pangitain sa kalangitan,
Sanhi upang ikaw ay papurihan.
Sa aming Hari, na si Jesus,
Kami’y lalapit sa iyo, O aming Diyos.