Ang Maligayang Bayan ni Jehova
Awit 57
Ang Maligayang Bayan ni Jehova
1. Maligaya ang lahat na nakaalam,
Ng katotohanang, iyong inilalaan.
Pagka’t sila’y lalakad sa kaliwanagan;
Maliligaya sa paglilingkuran.
(Koro)
2. Ang Diyablo’y patuloy na sumasalakay;
Balita’y isaysay. Magsikap na tunay.
Laan sa maaamo ang kanyang kanlungan;
Ang matwid kanyang ipagsasanggalang.
(Koro)
3. Huwag manlupaypay, kahit may manghinawa.
Tama’y pinasama. Kaya’t tayo’y handa.
Pagsubok harapin, magtapat sa Lumikha.
Ang tapat sa Diyos ay pinagpapala.
(KORO)
Pag-ibig mo, O Diyos inihahayag
Sa lahat ng ngalan mo’y ’binubunyag.
Katotohana’y kanilang natatap,
Nakikita sa gawang masikap.