Ang Matapat na Pag-ibig ng Diyos
Awit 114
Ang Matapat na Pag-ibig ng Diyos
1. Ang Diyos ay pag-ibig!
Sa ati’y umaantig.
Anak niyang sinisinta,
Naghandog ng buhay niya,
Upang tayo’y matubos,
At ligaya’y malubos.
(Koro)
2. Ang Diyos ay pag-ibig!
Tayo’y may pananalig.
Pag-ibig ay ’tinampok,
Nang si Kristo’y ’niluklok.
Tinupad kanyang tipan,
Narito ang Kaharian.
(Koro)
3. Ang Diyos ay pag-ibig!
Tayo’y walang ligalig.
Ang aliping matapat,
Inatasan sa lahat;
Sa ngalan ni Jah’y saksi,
Ipagbabangong-puri.
(Koro)
4. Ang Diyos ay pag-ibig!
Sa kanya ay pumanig.
Ang maamo’y tulungang
Katwira’y masumpungan.
Sa pagbabahay-bahay,
Aliwin ang may lumbay.
(KORO)
O kayong nauuhaw,
Mayro’ng tubig ng buhay.
Halina’t inyong tikman,
Pag-ibig niyang tunay.