Ang Pag-asa ng Bibliya Para sa Sangkatauhan
Awit 23
Ang Pag-asa ng Bibliya Para sa Sangkatauhan
1. Sanlibutan may karimlan;
Tao’y tumatangis at ginigiyagis.
Nangangapa, may pangamba,
Hudyat ng katapusan.
Nguni’t ang Bibliya ay nagpapasaya,
Pagka’t ang Kaharia’y narito na.
Luha’y papahirin ng Diyos sa mata.
Huwag matakot at ulo’y itingala.
2. O kay lumbay, walang saysay,
Di maiiwasan itong kamatayan.
Libingan ay naghihintay,
Nakapanghihinayang.
Nguni’t ang Bibliya’y may pag-asang taglay,
Na mabubuhay na ang mga patay.
Sa bukal ng buhay akayin sila.
Iya’y balitang nagbuhat kay Jehova.
3. Masasama nangungutya;
Sa Diyos humahamak, kasalana’y tigmak.
Nangdadahas si Satanas,
Balakyot ay laganap.
Nguni’t ang Bibliya’y may hulang maganda,
Hahatulan ng Diyos ang mga bansa,
Balakyot ay malapit nang mapuksa.
Mamanahin ng maamo ang lupa.