Ang Pagkabuhay-muli—Maibiging Paglalaan ng Diyos
Awit 185
Ang Pagkabuhay-muli—Maibiging Paglalaan ng Diyos
1. Ang pagkabuhay na muli’y
Kaawaan ng Diyos,
Ito ay pinagtitibay
Ng hain ni Jesus.
Uunahi’y munting kawan;
Buhay puputungan.
Isang libong taong tayo’y
Pamamahalaan.
2. Sa ulap ng mga saksi,
Buhay ibibigay.
Pangako’y lalong mabuting
Muling pagkabuhay.
Ibang tupa’y may pag-asa
Kung mamatay ngayon,
Sa kanilang pagkahimlay,
Maagang babangon.
3. Maririnig sa libingan
Ang tinig ni Kristo;
Silang lahat mabubuhay
Do’n sa Paraiso.
Pagkatapos ng milenyo,
Lahat susubukin;
Ang di masilo ng Diyablo
Buhay ang kakamtin.
4. Labi ng munting kawan at
Mga ibang tupa,
Sabihin sa namatayan,
Sila’y magkikita.
Kaya’t laging sumagana
Sa mabuting gawa;
Kamataya’y di hahadlang
Sa iyong gantimpala.