Ang Paglago ng Teokrasya
Awit 53
Ang Paglago ng Teokrasya
1. Ang Teokrasya ay lumalago pa!
Kahanga-hanga ang paglawak niya.
Patuloy ang pagpuri kay Jehova
Ng sa kanya ay nagsisisamba.
Ang simula’y maliit noong una,
Nang narito si Jesus sa lupa.
Ngayo’y dumami ang nagsisisama;
Sa kanan ng Diyos ay purihin siya.
2. Si Kristo’y nakaluklok, nagpupuno;
Sa harap niya mundo’y nakatayo.
Pamamahala ng Diyos igugupo,
Kaaway sa malapit, malayo.
Kahanga-hangang Ama’t Tagapayo,
Makapangyarihan naming ulo.
Sigasig ng Diyos ang magpapabago;
Pamamahala’y magpapalago.
3. Kay ligaya na ngayo’y nabubuhay!
Di ba’t galak sa pusong may lumbay?
Pagbibigay ay gawin nating tunay;
Ikagalak pagbabahay-bahay.
Babalaan ang nang-uupasala:
Ang Armahedon ay malapit na.
Mangaral nang puspusan samantala
Sa mga nagbubuntong hininga.