Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ang Pakikipagkaibigan kay Jehova

Ang Pakikipagkaibigan kay Jehova

Awit 217

Ang Pakikipagkaibigan kay Jehova

(Awit 15:1, 2)

1. Sino, Jehovang Diyos, ang iyong kaibigan?

Na sa iyong tolda ay mananahan magpakailan pa man?

Siyang naglilingkurang walang kapintasan,

Dalisay ang puso at labi ay may katotohanan.

Sino, Jehova, ang inaanyayahan?

Sino ba ang sa banal mong kabundukan mananahan?

Siya na nag-iingat sa kanyang salita nang huwag makapinsala.

(Koro)

2. Sino, Jehovang Diyos, ang manunuluyan?

Bilang iyong kaibigan at ang sa iyo’y makikitahan?

Siyang may katapatan, kahit magdusa man,

Matwid ang paglakad, at may bigkis ng katotohanan.

Mithi namin, O Diyos, maging kaibigan.

Ang Salita mo’y nagsasaad ng mga kahilingan.

Landas nami’y baguhin, utos mo’y sundin, nang iyong kaibiganin.

(Koro)

3. Sa iyo, Jehovang Diyos, ay manunuluyan.

Hindi malirip ng isipan ang iyong kapayapaan.

Kay Kristo natanghal ang pagsambang banal.

Dahil dito angaw-angaw ang sa iyo nagmamahal.

Kaya, O aming Diyos, aming iingatan

Pakikipagkaibigan mo magpakailan pa man.

At sa pagkakaisa tayo’y sasampa sa bundok ng pagsamba.

(KORO)

Jehova, kaibigan naming walang hanggan.