Ang Panalangin ng Lingkod ng Diyos
Awit 88
Ang Panalangin ng Lingkod ng Diyos
1. Jehova, Ama namin,
Ngalan mo’y sasambahin;
Awa mo’y palagian,
Tapat ka, kailan man.
Tapat ka, kailan man,
Awa mo’y palagian.
2. Sa ’ming paglilingkuran,
Kami ay iyong turuan.
Utos mo’y aming sundin,
Tupa’y aming mahalin.
Tupa’y aming mahalin,
Utos mo’y aming sundin.
3. Bigyan kami ng dunong,
Pag-ibig at iyong tulong.
Gawin kaming ma’wain,
Pagtatangi’y alisin.
Pagtatangi’y alisin,
Gawin kaming ma’wain.
4. Aming puso ay punin
Ng lugod sa gawain.
Dalangi’y palagian,
Umunlad, Kaharian.
Umunlad, Kaharian,
Dalangi’y palagian.