Ang Salita ni Jehova ay Tapat
Awit 108
Ang Salita ni Jehova ay Tapat
1. Tulad ulang nagbuhat sa langit
Upang ang lupa’y pabungahin,
Ang salitang bigkas ni Jehova’y
Matutupad, hindi sinungaling.
2. Si Josue sa Israel nagsabi
Tungkol sa kabutihan ng Diyos.
Lahat ng kanyang ipinangako,
Di nabigo; natupad nang lubos.
3. Sa mangagmamana ng pangako
Salita niya’y pinatunayan.
Ani Jehova: “Isinumpa ko.”
Pag-asa’y matibay ang saligan.
4. Sa Salita niya’y manalig tayo.
Pangako niya’y may katuparan.
Sa bagong lupang kanyang nilayon,
Si Jehova’y ating papurihan.