Ang Sariling Aklat ng Diyos—Isang Kayamanan
Awit 180
Ang Sariling Aklat ng Diyos—Isang Kayamanan
1. Mayro’ng aklat taglay ay kayamanan,
Dulot ay pag-asa’t kagalakan.
Kahanga-hanga ang kapangyarihan;
Dulot ay buhay, kaliwanagan.
Ang tawag ay Banal na Kasulatan.
Isinulat ng mga kinasihan,
Ng nagsisiibig sa Diyos na Jehova;
Sa espiritu niya ay ginabayan.
2. Ang paglalang ng Diyos ay iniulat,
Ang pagsipot nitong sangnilikha.
Nag-ulat ding sakdal ang unang tao,
At bakit Paraiso’y nawala.
Sinabi rin na may anghel sa langit
Na sa Diyos na Jehova ay sumuway.
Ang dulot nito ay dusa’t kasalanan,
Nguni’t si Jehova’y magtatagumpay.
3. Ngayon ay panahon ng kagalakan.
Isinilang Kaharian ng Diyos.
Kaarawan ito ng kaligtasan
Sa nakikipagkaisang lubos.
Kanyang aklat may masayang balita;
Kahit na ginto’y di matutumbasan.
Ang taglay nito’y pag-asang di malirip;
May pinakadakilang kasaysayan.