Ang Taglay Nating Kapayapaan
Awit 159
Ang Taglay Nating Kapayapaan
1. Walang kapayapaan
Ang kay Satanas;
Ang may kanyang isipan,
Mapagmataas.
Kapayapaa’y buhat
Sa kalangitan,
Para sa taong tapat,
May kabanalan.
2. Si Jehova’y purihin,
Makatarungan.
Kanyang pahihintuin,
Mga digmaan.
Lahat ng maaamo,
Kanyang kaibigan.
Kanilang matatamo,
Kapayapaan.
3. Poot ating iniwan,
At pagkainggit.
Ang tabak ay ginawang
Araro’t karit.
Nang maging payapa nga,
Magpatawaran.
At bilang tupa nawa
Ay mag-ibigan.
4. Ang bunga ng katwiran,
Dapat taglayin.
Tunay na karunungan,
Idadalangin.
Ang mapayapang daan
Ating tahakin,
Hanggang sa kaarawan,
Ligaya’y kamtin.