“Ang Tanawin ng Sanlibutan ay Nagbabago”
Awit 199
“Ang Tanawin ng Sanlibutan ay Nagbabago”
1. Ang tao ma’y maminsala
Sa ating magandang lupa,
Tayo pa ri’y may tiwala,
Ang Diyos ang siyang lulutas.
(Koro)
2. Parang aso ang kalaban.
Lakas nati’y babawahan.
Sa tuwa ay magpalakpakan;
Magwawagi sa wakas.
(Koro)
3. Marami man ang kalaban
Upang gawai’y pigilan,
Ang Salita’y panaligan,
At puso’y laging wagas.
(Koro)
4. Sanlibuta’y matatapos;
Ang Diyablo ay igagapos.
Sikap ay ating ibuhos
—Ang Diyos ay ating lakas.
(KORO)
Kahit sanlibuta’y nagbabago,
Tinitiyak ng Diyos mismo
Na tayo’y maliligtas.