Ang mga Babae ay Malaking Hukbo
Awit 82
Ang mga Babae ay Malaking Hukbo
1. Si Jehova mismo’y may bilin.
Ang ating kababaihan
Dakilang hukbong nangangaral
Sa buong sangkatauhan.
Maaga silang bumabangon,
Uunahin ang tahanan.
Pinaplano pa ang maghapon,
Sa paghayo sa larangan.
2. Sila’y ating kamanggagawa,
Atin ding ipanalangin.
Masisipag sa pangangaral,
Kalalakiha’y pumansin.
Marami ang matanda’t balo,
Kani-kanyang suliranin.
Bihirang pumalya sa pulong;
Tunay, sila’y matiisin.
3. Atin ngang pagmalasakitan,
Asawa, anak at ina.
Kabilang sila sa anihan,
Upang maligtas ang iba.
Ang hukbong ito ay marapat,
Gantimpala ay tanggapin.
Sila’y dapat na alalayan;
Bilin ng Diyos huwag biguin.