Anong Uri ng Pagkatao ang Nararapat sa Atin?
Awit 177
Anong Uri ng Pagkatao ang Nararapat sa Atin?
1. Ang araw ni Jehova ay pakaisipin.
Siya at Anak niya’y atin ngang pakamahalin.
Kay lalim ng gabi’t mag-uumaga;
Kampon ni Satanas mapaparam na.
Ang laging pagdalangin ay huwag kaligtaan.
Dapat ito ay atin ngang pagsumikapan.
Sa pananalangin sa Diyos nang buong puso,
Kapayapaan ng isipan ang matatamo.
2. Ating galak ay di lingid sa sanlibutan.
Tayo’y naging panoorin, pinagmamasdan.
Ang pagkatao ba ay nararapat?
Anong paggawi ang angkop sa lahat?
Sabihing may tiwalang Kaharia’y ’niluwal;
Ang bagong lupa’t bagong langit ipangaral,
Na dito ang katwiran ang siyang mananahan.
Ipahayag natin ang balita nang puspusan.
3. Ang gawi’t pamumuhay ay pakaingatan.
Kasuwato ng simulaing may kagantihan.
Nilinis ni Jesus, sala’y tinubos,
At kapayapaa’y natamo sa Diyos.
Pagkawalang dungis ang siya nating mithiin;
At kalayaan natin ay panatilihin.
Kung Diyos ay ating matalik na Kaibigan,
Hanggang sa wakas tayo ay kanyang tutulungan.