Awitin ang Awit ng Kagalakan sa Kaharian
Awit 20
Awitin ang Awit ng Kagalakan sa Kaharian
(Awit 96:1, 10)
1. Buong lupa’y mag-awitan,
Tungkol sa Kaharian.
Tinig ninyo ay lakasan;
Ito’y isinilang.
Kay ganda ng mga paa,
Ng mayro’ng kalatas!
Ang balitang taglay nila,
‘Diyos ang nagliligtas.’
2. Sa awit ng Kaharian,
Diyos ang parangalan.
Si Jehova’y katakutan,
Pangala’y basbasan.
Ang idolo at diyus-diyusan,
Walang silbing lahat.
Sa Diyos ng katotohanan,
Ang pagsamba’y tapat.
3. Makisabay sa awitin:
‘Si Jehova’y Hari.’
Kaharian niya’y dumating,
At langit nagbunyi.
Maghuhukom siya sa lupa
Taglay ang katwiran.
Tapat pagpapalain niya,
Gagantimpalaan.