Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awitin ang Papuri kay Jehova Nang May Tibay-loob!

Awitin ang Papuri kay Jehova Nang May Tibay-loob!

Awit 107

Awitin ang Papuri kay Jehova Nang May Tibay-loob!

(2 Cronica 20:21)

1. Tayo ay umawit kay Jehova,

Sa lakas niya’y magtatagumpay.

Ang kaaway huwag katatakutan.

Halina’t tayo’y sumalakay.

(Koro)

2. Tayo ay umawit kay Jehova,

Ang lahat ating babalaan;

Pagsambang huwad at kabalakyutan,

Malapit na ang kawakasan.

(Koro)

3. Tayo ay umawit kay Jehova,

Habang nagtuturo sa tapat.

Tulungan sila na maglingkuran,

Nang ang nais ng Diyos maganap.

(KORO)

Ibansag ang kaligtasang tunay.

Ang tao’y tulungan na mag-alay.

Tayo ay umawit kay Jehova,

Dakilain ang kanyang ngalan.