“Balsamo sa Gilead”
Awit 182
“Balsamo sa Gilead”
1. May balsamo sa Gilead;
Ating napakinggan.
Aliw sa pusong may hapis,
Lungkot pinaparam.
Panlunas sa may siphayo’t
Sa may kalumbayan.
Kung may mahal na pumanaw,
At nasa libingan.
2. Di ba’t ang Diyos ay pag-ibig,
At may karunungan.
Ang anumang nilayon niya
Mayro’ng kabutihan.
Kaya siya’y laging tawagan,
Laging manalangin.
Ipagtapat; huwag maglihim;
Damdami’y sabihin.
3. At ating alalahanin
Na ang nakaraan,
Sa Bibliya’y pawang nasulat
Bilang kaaliwan.
Ang tulong din ng kapatid
Ay ating tanggapin;
Inilaan ito upang
Hirap ay tiisin.
4. Batid mo bang di lang ikaw
Ang may kalumbayan?
Kundi iba’y nagtitiis,
At sinusubok man?
Sila ay dapat aliwin,
Puso’y pasayahin.
Sa balsamo ng Gilead
Sila’y pagalingin.