Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Dakilang Diyos, Jehova!

Dakilang Diyos, Jehova!

Awit 49

Dakilang Diyos, Jehova!

(Awit 95:3)

1. Diyos na Jehova, Kata’staasan,

Aming inaawitan, daan mo’y lalakaran.

Hari’t Hukom at Mambabatas ka,

At pagsusulitan ka kailan pa man.

O Diyos, anong buti mo; O kay buti.

Sa paglilingkod, tulungan kami.

Tupa’y pakanin, ngala’y parangalan,

At maglingkuran saan man kailangan.

Manglilikha ka’t Tagapaglaan,

Puspos ng kabutihan.

2. Diyos na Jehova, May Kabanalan,

May galak sa gawain, atas nami’y ganapin.

Ika’y Bukal ng Kapangyarihan.

Sa iyo puso’t isip di nalilihim.

O Diyos, malakas ka, at magiliw pa.

Sa tulong mo’y di kami sasala.

Mithiin mo’y aming ipaaalam;

Ikaw lamang ang siyang paglilingkuran.

Ika’y Kalasag, Kuta’t Saklolo.

Aasa kami sa iyo.

3. Diyos na Jehova, Pastol at Guro,

Diyos ka na maibigin at maalalahanin.

Ika’y Kanlungan at Katubusan.

Luluhod kami, taos ang dalangin.

O Diyos, mapagpala ka’t maawain.

Sa iyo lalapit upang aliwin.

Ngalan mo’y mahal, makikita naming

Mangyayari ano mang iyong ibigin.

Diyos na Jehova, Kata’staasan,

Tanging ikaw lang ang Diyos.