Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Dapat Magkaroon ng Pananampalataya

Dapat Magkaroon ng Pananampalataya

Awit 144

Dapat Magkaroon ng Pananampalataya

(Hebreo 10:39)

1. Noong una ang Diyos ay nagsalita

Sa tulong ng propetang nagsihula.

Sa wakas Anak niya ang naglathala;

Kaligtasa’y sa mga tatalima.

(Koro)

2. Huwag sayangin ang layang magpahayag,

Pagka’t kailangan sa pagbubunyag.

Kung susundin ang kay Jesus na yapak,

Ang pagpapala ni Jehova ay tiyak.

(Koro)

3. Hindi tayo ang uring umuurong,

Tayo’y may tiwalang laging susulong.

Kahit maraming sa ’ti’y dumaluhong,

Ang Diyos na Jehova sa ’ti’y tutulong.

(KORO)

Dapat na mayro’ng pananampalataya.

Upang maligtas patibaying talaga.

At yaon ba’y nilakipan ng gawa?

Yao’y magliligtas sa kalul’wa.