“Dapat Ninyong Tulungan ang Mahihina”
Awit 116
“Dapat Ninyong Tulungan ang Mahihina”
1. Kay raming kahinaan
Ang taglay natin.
Nguni’t sa atin ang Diyos,
Maunawain.
Siya ay maawain,
Laging maibigin.
Tulad niya, umibig din,
Dukha’y kupkupin.
2. Mahina’y huwag hatulan;
Ating tandaan,
Mayroong kabutihan
Ang kabaitan.
Ating sikapin din,
Sila’y pasiglahin.
Sila’y ating tulungan
At alalayan.
3. ‘Hina ng kapwa’y damhin,’
Sabi ni Pablo.
Pagka may nagdaramdam,
Dumamay tayo.
Maygulang payuhan:
‘Mahina’y tulungan.’
Pawang tinubos upang
Buhay matamo.
4. Mahina ay tulungan,
Payo nga ng Diyos.
Sa gawa at salita,
Biyaya ay lubos.
Sila’y kay Jehova,
Palakasin sila.
Kung mahina’y aliwin,
Tutulong ang Diyos.