Dapat Tayong Maging Banal
Awit 54
Dapat Tayong Maging Banal
1. Nais ng Diyos tayo’y may kabanalan,
Pagka’t kay Kristo nilinis tayo.
Tayo ay bayang may kalinisan,
Ganyan sana ang tingin ng tao.
2. Tanging pinili ukol kay Jehova,
Banal na bayan at ibang tupa.
Sa ating gawi ay ipakita,
Na nagtataguyod ng utos niya.
3. Kahanga-hanga ang ating pagsulong;
Diyos ang sa ati’y dumadalisay.
Katotohana’y di umuurong.
Di tayo lilingon; walang humpay.
4. Ang panahon natin ay huwag sayangin;
Maging banal, liwanag lakaran.
Si Jehova ay laging purihin.
Siya ay matwid at may katapatan.