Dibdibin Ninyo ang Katotohanan
Awit 191
Dibdibin Ninyo ang Katotohanan
1. Katotohana’y daan ng pamumuhay.
Walang makahihigit pa.
Sa pagbibigay si Jesus ang nagsanay,
Nang ligaya’y managana.
Gawing dibdiban.
Ipakita sa tanan.
Sa bawa’t kilos mo at hakbang,
Dibdibin ang katotohanan.
2. Diyos ang unahin at purihin siyang lagi,
Mundo sa iyo’y lalayo.
May magugulat sa landas mong pinili,
Hindi nila natatanto.
Gawing dibdiban.
Mundo ay iyong layuan.
Sa paglapit mo kay Jehova,
Dibdibin ang katotohanan.
3. Ang Diyablo’y laging gagawa nang may daya,
Siya’y dapat mong salansangin.
Ang kalasag mo’y pananampalataya,
Hampas niya ay iyong salagin.
Gawing dibdiban.
Sa Diyablo’y huwag palinlang.
Isakbat ang baluti ng Diyos,
Dibdibin ang katotohanan.
4. Lama’y mahina, puso’y may katusuhan;
Labanan ang kasalanan.
Manalig ka lang, tagumpay ay asahan,
Diyos tunay na Kaibigan.
Gawing dibdiban.
Kalikua’y labanan.
Upang sarili’y mapigilan,
Dibdibin ang katotohanan.