Dumudulog kay Jehova
Awit 225
Dumudulog kay Jehova
1. Ang lingap mo, Jehova,
Sa ami’y kay ganda.
Hindi ka lilisanin
Ng iyong sinisinta.
Turing namin ay yaman
Ika’y maging Kaibigan.
Pag-ibig mo ay saklolo,
Dapat papurihan.
2. Pastol naming dakila,
Kami’y nasumpungan
At kay Kristo’y tinawag,
Mundo’y tinalikdan.
Sala ay pinatawad,
Awa mo’y di masayod.
Ang buti mo, natatamo,
Habang naglilingkod.
3. Anak mo ang nagturong
Ikaw ay kilanlin.
Kabutihan mo’t awa,
Umakit sa amin.
Nais naming lumapit,
Higit kang makilala.
Iyong kalo’ban ay gampanan,
Magpawalang hangga.