Gumagawang Magkakasama sa Pagkakaisa
Awit 213
Gumagawang Magkakasama sa Pagkakaisa
1. Pagkakaisa’y kailangan.
Pagsasarili’y talikdan.
Pag nagkaisa ang diwa
Tayo’y mapayapa.
Mayro’ng pagpapalang
Masusumpungan.
Kung ikaw ma’y matalino,
Huwag palakihin ang ulo.
Kahinhinan ay ingatan,
Diyos ang papurihan.
2. Alitan at pagkainggit
Palasak na sa daigdig.
Mapayapa’y tulad hamog,
Laging itaguyod.
Nakagiginhawa.
Kay sarap damhin.
Lilitaw din ang hidwaan;
Dahil sa di-kasakdalan!
Kung agad malulunasan,
Wala nang alitan.
3. Sa gawain araw-araw,
Pagkakaisa’y igitaw.
O anong sarap na damhin.
Dapat pagyamanin.
Pagkakaisa ay
Dapat mahalin.
Kay laki ng gantimpala
—Sasaatin si Jehova.
Kapayapaa’y sagana,
Diyos ang nagpapala.