Haring Walang Hanggan, Ngalan Mo’y Banalin!
Awit 94
Haring Walang Hanggan, Ngalan Mo’y Banalin!
1. Jehova, walang kapantay,
Laging ikaw at ikaw rin.
Ika’y laging mapaghintay,
Hanggang ngalan mo’y banalin.
Layunin mo’y walang hanggan;
Sakdal ka sa karunungan.
Sasapit ang Kaharian,
Kasamaa’y wawakasan.
2. Maylikha ng santinakpan,
Diyos kang walang pinagmulan!
Kita mo ang kasamaan
Sa lupang tinutuntungan.
Anak mo ay ibinigay;
Prinsipe magpakailanman.
Magwawagi sa kaaway;
Sila nawa ay wakasan.
3. Propeta mo no’ng una pa,
Pangangaral ginampanan.
Hula’y may katuparan na,
Siya naming sinasaksihan.
Ang lupa ay magtatagal,
Di gigiray, walang hanggan.
Hari, dangal mo’y itanghal,
Sa pagdating ng Kaharian.